Chapter 41: Met Her Again

22.8K 1K 619
                                    

Arshen's PoV:

"Arshen, y-you're here..."

I can feel my body is trembling and shaking up. I'm surprised. I want to curse at destiny. Napakamapaglaro talaga ng tadhana at pinagkita na kami agad.

But despite of that, I can feel the familiar feeling na sya lang talaga ang nakakapagdala sa akin. Nakakamiss din palang marinig ang boses nya.

Pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha. As much as possible, ayaw kong makita ni Yana na naaapektuhan pa rin ako sa kanya. Not now, never again.

I stared at her with the coldness in my eyes. She's still beautiful. She's a grown-up lady now. Nagmature na rin ang mga features nya. She's wearing a business outfit na bumagay naman sa kanya.

Hindi ako nag-atubili na magsalita. Instead, ibinaling ko ang aking tingin kay Jane na ngayon ay pasalit-salit ang tingin sa amin ni Yana. I guess, magkakilala silang dalawa?

"Jane, let's go." I said at mabilis na hinila ang aking kapatid papalayo.

Pero isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking pulsuhan. "Stay, Arshen. Please."

Napapikit ako nang mariin. Parang nanumbalik bigla ang lahat ng nangyari sa aming dalawa kahit ilang taon na ang nakakalipas. I can feel the same pain on my chest. Masakit pa rin pala. But I know to myself na nakamove-on na ako.

Aish. I thought, I'm already numb when it comes to this. Hindi pa pala. Maybe, hindi lang ako nakapaghanda na mamemeet ko sya agad after all these years.

"Why would I stay? May rason ba? Para saan pa? Hindi ba't tinapos mo na ang lahat sa atin?" Madiin kong turan sa kanya.

Nakita ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Her face screams how she's surprised and sad at the same time.

"I... Ahm...." Now, she's lost with words. "I want to talk to you. I want to clarify something."

I heaved a sigh at looked at her. Yana's fragile right now. Ayaw kong makapagbitaw ng nga salita na pagsisihan ko sa huli. I don't want to hurt her dahil may pinagsamahan naman kami.

"I'm sorry pero ayaw kong makipag-usap sayo, Yana."

"Jane, may pupuntahan pa tayo right?" I said na syang nagpabalik sa reyalidad ng kapatid ko. She nodded her head as an answer.

Mabilis akong tumalikod at nagsimula nang maglakad. We need to get out of here.

Hindi pa kami nakakalayo nang marinig kong sumigaw si Yana. "Arshen, I missed you! I really do. And I'll do everything it takes para lang bumalik ka sa akin."

I stopped in my track. I was taken aback. Hindi ko maiwasang mapalunok. Gosh. Is that for real? Talagang sinigaw nya 'yun dito sa public place?

Mabilis akong napalinga-linga sa paligid. Napatampal na lang ako sa aking noo nang mapansing nasa amin ang atensyon ng iilan.

Yana's brave. I'm impressed. I can also feel the dedication sa boses nya. Still, hindi ko pa rin alam kung nagsasabi ba sya ng totoo. Who knows, maybe nadadala lang sya ng emosyon nya. Just like what she said to me a few years ago.

I shrugged at tuluyan nang umalis sa grocery store.

This is not the right time for us. Alam kong maliit lang ang ginagalawan namin ni Yana at hindi malabong magkita kaming dalawa. And when that time comes, I hope na ready ako.

Ayoko nang magpadala pa sa kanya. Hindi na ako marupok.

"WHAT DO YOU THINK, SAMANTHA? Anong gagawin ko?" I asked. Nang makarating kami sa bahay, sya agad ang tinawagan ako. Well, Alam ko namang magaling magpayo si Samantha. I already told her what happened awhile ago.

VIPERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora