Chapter 25: Best Remedy

20.6K 1K 193
                                    

Arshen's PoV:

"Yana, what's wrong?" But she just frowned at itinuon na ang atensyon sa iba.

I heaved a sigh. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hay nako. Ano bang kailangan kong gawin ha?

Well, nandito kami ngayon sa isang coffee shop na kalimitang dinadayo rin ng mga kapwa namin students. Actually, marami nga akong nakikita rito na familiar eh. So that means, iisa lang kami ng pinapasukang school.

Yana said a while ago na dito nya gustong pumunta. And of course dahil isa akong mabait na nilalang, sinunod ko sya.

We ordered our drinks na may kasamang cake dahil mas bet namin ang ganong combination. After that, hindi nya na ako pinansin. Or to be exact, hindi na sya nagsalita.

I heaved a sigh again. A deep one.

"Pansinin mo naman ako, uy." Nakanguso kong turan sa kanya. I slowly placed my hands on her.

"Tsk. Ano ba? Wag ka nga." Masungit nitong turan. Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nito tinabig o inalis man lang ang aking kamay sa kanya.

"Sabihin mo na kasi. Hindi ako sanay ng ganto ka eh." Pangungulit ko pa. It's true. Nakakapanibago kasi na tahimik lang sya. Dati-rati naman ay hindi sya ganto. Alam mo talagang may mali eh.

Nakita kong naningkit ang kanyang mata at pagak na napatawa. "You're really asking me that huh?"

Alanganing napatango naman ako. Gosh. Hindi ba 'yun obvious ha?

Nagbago bigla ang kanyang expression. She's intently eyeing me now. Ang intense.

I gulped at mabilis na napaayos ng upo. Hindi ko mabasa kung anong ipinapahiwatig nya. But one thing is for sure, Yana is pissed right now.

"After what you did a while ago? For pete's sake, you're asking that girl for a date, Arshen!" Matalim nitong turan sa akin. "Nakalimutan mo na bang in a relationship tayo ngayon?"

I shivered in fear. Nakakatakot sya. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko ngayon.

"P-Pero diba h——"

"No buts! Paano natin sila mapapaniwala huh?"

Yeah, right. Ayun nga pala 'yun. I should put that in my mind. Pero bakit parang iba ang dating non sa akin? Parang may something.

I shooked my head.

"Yana, inaya ko lang si Hone—— err... sya kasi nga I accidentally bumped into her a while ago. Sorry ko na rin 'yun sa kanya." Muntik ko nang makalimutan na ayaw nya pa lang binabanggit ko ang name ni Honey sa harapan nya.

Until now, hindi ko pa rin alam kung bakit.

Nakita kong napataas ang isa nyang kilay at nagcross-arms pa. "May ganon? Porket nabangga lang, aayain na agad ng date?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Eh kung banggain din kaya kita, Arshen? Yayayain mo rin ba ako ng date?" Dagdag pa nito.

Napahilot na lang ako sa aking sentido. Hay nako. Sumasakit ang ulo ko kay Yana. Gosh.

"Hindi 'yun ganon." I said in a calm tone. I heard she hissed. "Then what is it? Tsk. Mas nauna mo pa syang yayain kaysa sa akin?"

I know by now, napapatingin na sa amin ang ilan sa mga ka schoolmates namin. Well, I used my peripheral vision that's why.

Tumataas na rin kasi ang tono ng boses ni Yana. And it looks like, nag-aaway kaming dalawa.

Alam ko namang hindi ako mapride na tao kaya ako na ang magpapakumbaba. Tutal, sa akin naman sya naiinis.

VIPERWhere stories live. Discover now