53 : The Truth

4.3K 210 3
                                    

Third Person POV

Kasalukuyan ng nasa karwahe ngayon ang mga royalties patungo sa Sehara. Tahimik lang silang lahat at puno pa din ng mga kwestyon ang mga isip. Wala pang tatlong oras ay nakarating na sila sa Sehara.

"I can't imagine I stayed that quiet for almost 3 hours" mahinang sabi ni Diana

Nag bow lahat ng nasa paligid at ang iba naman ay panay ang puri sakanilang lima. Halos mag iisang linggo silang nag papahinga dahil na din sa pagod at mga sugat na natamo nila ng nakaraang digmaan. At hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising si Zenadia at parang isang patay na katawan na nakalutang lang sa loob ng Mystic Bubble sa may Water Kingdom.

"Royalties" bati sakanila ni Ariona kasama sina Nicolo at Gina

Alam ni Ariona ang tungkol sa magkapatid na Krimson dahil nabangit iyon ng dryosa Trina bago ito buhayin.

Tumuloy sila sa bahay ng mga Krimson, at pansamantalang umalis muna si Gina dahil kailangan nya pang magpahinga. Nawala niya ang bracelet nabinigay sakaniya ni Zen kaya hindi nya halos naprotektahan ang kaniyang sarili.

"Tita, sino po ba talaga si Zen?" iyan ang dati pang gustong itanong ni Kade

Nakaupo sila sa salas at may nilapag na isang makalpal na libro. Napatingin doon ang nga royalties na para bang kwinwkwestyon kung ano iyon at para saan. Binuksan ni Ariona ang libro pero tumambad ang mga blangkong mga pahina. 

"The book who says nothing will reveal everything. The book that is hidden will unveil the secrets of forbidden. It will bring your answers but with a great chaos. Beware of the blank pages of the book, only the ones who have pure intentions can look. Sounds familiar?" tanong ni Nicolo

Napakunot ang noo nina Kade, Diana at Draven dahil dito pero alam nina Danica at Ethan ang ibig sabihin nito. Nadinig nila na sinabi iyon ng isang matandang katulong kay Zenadia sa may cafeteria.

"Ano pong ibig sabihin nun?" takang tanong ni Draven

Kumuha ng isang dagger si Ariona sa kaniyang tagiliran at sinugatan ng kaunti ang kaniyang palad. Hinayaan niyang tumulo ang kaniyang dugo sa libro hanggang sa umilaw ito at nag mistulang projector dahil may illusion na lumitaw sa itaas nito.

"Alam kong pamilyar na kayo sa unang digmaan pero ikwekwento na din namin para magliwanagan kayo" maikling sabi ni Ariona habang ginagamot ang sugat niya

"Libo libong taon na ang nakakalipas, bukas ang lagusan sa dalawang mundo kaya malayang nakakalabas pasok ang iba't ibang nilalang. Si Gretphine ay nilait at pinandirian ng mga tao dahil nga sa kakaibang kulay ng mga mata nito at naiiba sa lahat. Umibig siya sa isang normal na tao ngunit hindi nito inaasahan na may kasintahan na pala ito kaya napuno siya ng poot at kasamaan hanggang sa gumawa siya ng isang kaharian. Ang kaharian ng Oscuro Kingdom" sabi ni Nicolo

Habang kwinekwento niya ito ay lumalabas mula sa illusion ang mga pangyayari libo libong taon naang nakalipas.

"Ang unang digmaan ay naganap dalawang taon matapos isara ang lagusan sa dalawang mundo. Hindi sumangayon ang mga sinaunang mga reyna at hari dahil sumosobra na ang kasamaan nito kaya lumusob sila sa kaharian ng Oscuro. Bago pa mawala ng tuluyan si Gretphine ay sinumpa niya ako kahit hindi pa ako pinapanganak" kwento ni Ariona at napabuntong hininga

"K-Kayo po ang sinumpang babae?" gulat na gulat na tanong nina Draven at Diana

"Oo. Dapat ako ang mag tutuloy sa sinimulan ni Gretphine pero sumalungat ako dito. Nang binawi niya ang sumpa ay akala ko mabubuhay na ako ng maayos pero hindi"

May lumabas sa illusion na isang sangol na may kulay lilang mga mata at buhok. Alam na ng royalties kung sino ito.

"Pinaghiwalay kaming dalawa ni Dave, ni Gretphine ng matagpuan ko si Sameera---"

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon