10 : Laugh Out Loud

6.4K 277 32
                                    

Zen's POV

Pagkatingin ko ay naandito pala sina Kade at Emman sa may tapat ng kwarto. Napakunot ang noo ko bigla.

"Anong ginagawa--- hachhuu! s-sorry" sabi ko mg bigla akong nabahing

"Hey where do you think you're going huh? May sakit ka" sabi ni Kade

"Sa cafeteria. Baka gusto mong mamatay ako sa gutom dito" parang ngongo na sabi ko

"May dala kaming pakain para sayo ate Zen!" sabi ni Emman at hinarap saakin yung isang lunch box na hawa hawak niya. Nakita ko naman na may dalawa pang lunch box na dala dala si Kade.

"Bakit nyo pa ako pinagdala?" kunot noo na tanong ko

"Before we answer that ate Zen, go back to your bed right now!" bossy na utos saakin ni Emman "Please po? hehehe" sabay puppy eyes kaya hindi ko mapigilan na mapangiti sa kacute-an ng batang ito

"Yes my little Emman" sabi ko st bumalik sa kama at umupo doon

Pumasok din sila at sinaraduhan yung pintuan. Nilapag nila yung mga lunch boxes sa coffee table sa gilid ng kama ko. Si Emman ay nilalaro yung darili ko habang si Kade ay may inaayos sa mga unan.

"Here. Sumandal ka dito Zen" nakangiti na sabi niya

Sumunod nalang din ako kasi alam ko namang pipilitin niya lang din ako kapag hindi ako sumunod.

"Kuya Kade, can you get a bucket of water and a towel?"

Natawa nalang kami ni Kade dahil sa inaasta ni Emman.

"Zen, saan banyo nyo dito?" tanong saakin ni Kade kaya tinuro ko naman yung banyo at tumungo naman siya doon

"You need to wipe your face and hands first ate Zen. You can't eat with those unwashed hands" sabi niya

Ilang sandali lang ay lumabas na si Kade sa may banyo na may dala dala na isang maliit na plangna ng tubig at towel sa loob nito. Umupo siya sa kabilang pwesto ng kama at nilapag yung plangana.

"Emms, wag kang masyadong lumapit saakin dahil baka mahawahan kita" sabi ko st sumunod naman siya kaagad

Akmang pupunasan na ako ni Kade ay pinigilan ko siya "I can do it" sabi ko

"You sure?"

"Yeah" simpleng sabi ko kaya inabot na niya yung towel saakin

Pinunsan ko nalang yung braso ko pababa sa kamay dahil nakapag hilamos naman ako kanina. Nang matapos ako ay kinuha na iyon ni Kade at muling nilagay doon sa may maliit na plangana. Kinuha naman ni Emman yung mga lunch boxes at hinarap saakin. Namangha naman ako dahil may design pa yung pagkain. May pa-smile face pa at may ilang pa heart.

"Ate Zen, gusto nyo po ba subuan ko kayo?" nakangiting tanong saakin ni Emman

Ayaw kong tumanggi dahil baka mag tampo siya kaya tumango nalang ako. Kinuha niya yung kutsara at sumandok ng pagkain saka nilapit saakin.

"Say 'ahh' ate Zen!" nakangiti na sabi niya

Natawa pa ako ng kaunti at ganun din si Kade. Sobrang strict niya at hindi ako pinagsasalita kapag puno ang bibig ko. Don't talk when your mouth is full daw hahaha.

"You too kuya!" sabi ni Emman at kinuha yung isang pang kutsara at sinubuan din si Kade

Naubos na namin yung isa at may dalawa pa pero bigla nalag may kumatok kaya tumayo si Kade para tingnan kung sino iyon. Pagkabukas ng pintuan ay napakunot ang noo ko ng nakita ko doon si Ethan.

"Mrs. Vales is  looking for you Kade" he said coldly

Napakamot nama ng batok si Kade at humarap saakin, like he's asking for my permission.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now