23 : Goddess Trina

5.1K 265 9
                                    

Zen's POV

Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Ara dahil daw ngayon bababa ang dyosa at mismong dito sa academy niya naisipan na pumunta. May ilang mga students na din kaming nakakasalubong at mukhang excited na makita ang dyosa. Ang iba ay bihis na bihis at todo paganda at paggwapo.

"Nagmumukha silang espasol" sabi ko kaya natawa nama si Ara

"Hahaha hindi mo sila masisisi Zen. Ngayon lang kasi muli pinili ng dyosa ang academy natin eh kaya excited ang lahat na makita siya ng malapitan" sabi niya

Huling araw na ng celebration kaya bababa ang dyosa dito sa Magia mula sa mundo nila. Hindi ko alam kung anong seremonyas ba ang gagawin pero inutos saaming lahat ni HM na dapat daw ay bago pa makarating ang dyosa ay nakapag handa na kaming lahat.

"Zen! Ara!" tawag saamin ni Adrian kaya lumapit kami

Naandito na kami sa may field bleachers. May ilan na ding nagsisidatingan ay yung iba ay naka upo na sa pwesto nila. Pinaggigitnaan namin ni Adrian si Ara.

"Nasaan si Luke?" tanong ni Ara

"Hindi ko nga din alam eh. Pumunta ako sa dorm nila pero sabi nung roommate niya ay hindi pa daw ito bumabalik simula kagabi" sabi ni Adrian

Hindi nalang ako nakinig sa usapan nila at tumingin sa ibaba. May kataasan kasi itong inuupuan namin kaya kita ang buong field. Kaya naman pala may isang malaking stage doon.

May mga upuan sa ibaba at mukhang upuan iyon para sa mga hari, reyna at mga prinsesa at prinsipe. May isang malaking upuan sa gitna ng stage, sa palagay ko ay para iyon sa dyosa.

"Ano kayang itsura ng dyosa Trina?"

"Sigurado na maganda siya at mabait"

"Excited na akong makita siya!"

"Nadinig ko sa usapan nina HM na may pipiliin daw ang dyosa"

"Pipiliin? Anong pipiliin?"

"May pipiliin daw siyang isang student tapos kung sino ang gusto nitong ipabuhay ay bubuhayin o gagamutin niya"

Natigilan ako sa usapan nung mga nasa likura ko. Nauha nito ang atensyon ko kaya pasimple akong nakinig.

"Talaga!? Wow.. sana ako ang mapili. Gusto kong makasama lola ko na namatay last year"

"Sana nga swertihin ka. Pero sa dami ng mag aagawan ay parang imposible na mapili ka"

"Ang nega mo talaga!"

"Eh kasi naman, may pagsubok daw na ipapagawa ang dyosa bago siya pumili"

"Anong pag subok? Sana hindi mahirap"

"Hindi ko din alam eh. Basta nabanggit lang ni Mr. Sol na may pagsubok daw"

"Ara, I have to go" sabi ko at agad na tumayo

"What? Wait Zen!" tinawag nila ako pero hindi ko na sila nilingon

Kailangan kong makausap si Gina tungkol doon, alam kong may alam siya. I secretly use Air, Fire and Earth element to find Gina. Nang malaman ko kung nasaan ay agad akong pumunta sa may bandang dulo ng field pero nagulat ako ng nakita ko siyang nanghihina. Agad akong lumapit at inalalaya siya.

"What the fuck happened to you?" kunot noo kong tanong sakaniya

"T-They're here" nahihirapan na sagot niya

"Who's here?"

"D-Dark---"

"Well, well, well.."

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now