19 : Fitrei Ebony Academy

5.2K 237 5
                                    

Zen's POV

"Dahil sa salungat dito ang mga reyna at hari ng iba't ibang kaharian ay nagtulong tulong silang mapabagsak ang kaharian ng babaeng may pulang mata. Natalo nila ito pero may sumpa siyang ginawa. Lilipas ang libo libong panahon pero isang babae ang muling isisilang, isang babae na magpapatuloy sa kaniyang sinimulan, isang babae na kakaiba sa lahat, isang babae na nagtataglay ng kakaiba ngunit sobrang lakas na kapangyarihan na hindi ninyo aakalain. Dahil sa nakuhang dugo ng babae na may pulang mata sa ilang hari at reyna bago siya mamatay ay nilipat na agad niya ito doon sa babae na nakasaad sa kaniyang sumpa" napalunok ako ng kaunti at nagsimula ng manginig kamay ko

"Ang sinumpang babae, ito ay magtataglay ng kapangyarihan ng elemento ng tubig. Siya ay... ay ano? Bwisit pabitin!" inis na sabi ko at padabog na hinampas yung libro sa may lamesa

Kung kailan sinisipag akong basahin yun, saka naman binitin bwisit talaga. Kinuha ko yung isa pang libro. Tungkol naman ito sa mga sagradong bagay, lugar at mga kakaibang nilalang.

"Ang mundo ng Magia at hinahati ng iba't ibang kaharian. Ang limang pinakamataas at pinakamalakas na kaharian ay ang nangungunang limang elemento, ang apoy, tubig, hangin at ang sagradong kapangyarihan" napakunot ako sa nabasa ko

Sagradong kapangyarihan? ano naman kaya yun?

"May daan daang mga bayan sa Magia at ilan doon ay naglaho o hindi na nagtagpuan matapos ang huling digmaan sa pagitan ng mga may apoy at ng may mga sagradong kapangyarihan" tinigil ko muna pagbabasa dahil nalilito na ako

"Vil?" tawag ko sakaniya, alam ko naman na kahit mahina lang ang boses ko ay madidinig niya ako

Ilang segundo lang ay may ahas na papaapit saakin at sumampa sa may coffee table.

"Ano ang sagradong kapangyarihan?" agad na tanong ko

Kita ko na natigilan siya pero agad ding nag anyong tao. Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya. Nakakasura ang ahas na ito, sana ay noon pa niya ginawa ang pag aanyong tao para hindi ako nahihirapan na itago siya sa loob ng katawan ko.

Pero may ilag kaliskis pa din siya sa balat at mukha at ang mata niya ay nanatiling matang ahas.

"Bakit mo natanong bigla iyan?" tanong niya

"Sabi dito sa libro, kasama sa pinaka malakas na kaharian ang may nga sagradong kapangyarihan--- uhh basta parang ganun" naguguluhan na sabi ko

"Ang sagradong kapangyarihan ay tinatawag na Chrone pero tanging royal family lamang ang nagtataglay nito. Walang nakakaalam kung nasaan ito bukod sa mga nakatira sa kaharian na iyon at wala ding nagbabalak na hanapin pa ang kaharian na ito" sabi niya

"What kind of power exactly does that Chrone poccess?" taka kong tanong "Invisibility? Moving objects? what?"

"Commanding" seryoso niyang sagot

Napakunot ng saglit ang noo ko "Commanding? What the hell is---- ohh" napatango tango nalang ako ng naalala ko kung sino ang may kapangyarihan ng Chrone

"The crown prince of the kingdom, both poccess the power of Chrone and the Fire element" sabi niya 

Kaya naman mainitin ulo ng prinsipe na yun, partner pala sa kapangyarihan niya tsk.

"Isn't it forbidden to have two different power?" tanong ko. wow ako pa talaga nag tanong

"Yes it is. But your situation is far different from him, Zenadia"

"As far as I remember, my mother only manipulate Water element so how is it possible that I can poccess the four main elements?"

"That's why I'm here. If you still don't realize, I'm not only here to help you seek your revenge but also to help you find the answers on your questions" sabi niya

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz