44 : War Has Been Declared

4.1K 209 2
                                    

Zen's POV

"Are you okay sweetie?" nakangiting tanong saakin ni mama

Nanatili lang akong nakatingin sa portal kung saan naglakad paalis si papa. Limitado lang ang oras na nakausap ko sita pero para saakin ay sobra sobra na iyon. Nayakap at nakausap ko si papa for the first time in my entire life. Pero hindi maalis sa isip ko yung sinabi niya saakin.

"Always.. Always listen to your heart sweetie. I know I won't be there when you need me but remember that I'll be watching you from above. May mga katanungan na dapat masagot at meron din namang dapat manatiling katanungan nalang habang buhay. Marami ka pang pagdadaanan at kahit anong mangyari ay susuportahan kita a mga desisyon mo. Mahal na mahal kita anak"

May mga katanungan na dapat masagot at meron din namang dapat manatiling katanungan nalang habang buhay? What does he mean by that?

"Sam?" napalingon ako sa gilid ko ng may kumalibit saakin, si mama pala "Alam kong gusto mo pang makasama ang papa mo pero may tamang panahon para sa lahat. Wag kang mag alala, mag kakausap muli kayo"

Ngumiti ako at tumango "Opo mama" sagot ko

Naglakad kami papunta sa mga kasamahan ko at sa pinuno

"Maraming salamat po" nakangiti kong sabi sakaniya

"Nako ihja, wag kang magpasalamat saakin dahil ginawa ko lang naman ang pinagbuutos saakin ng dyosa. Wala akong halos ginawa" sabi niya pero pinagpasalamatan ko pa rin ito

Lumabas na kami ng templo habang hindi ko pa din binibitawan ang yakap ko kay mama. I missed her so much. Pero tumigil siya kaya napatigil din kami. Medyo nagtaka ako dahil inalis nya pagkakayakap ko sakaniya at hinawakan parehas kong kamay.

"Who's inside you Zenadia Sameera?"

Parang nag taasan ata lahat ng balahibo ko sa sobrang seryoso ni mama. Pangalawang beses ko palang naririnig ang ganitong tono ni mama at hindi ko na hihilingin na maririnig ko pa ito ulit.

"Zenadia Sameera Cai. Answer me" pag uulit ni mama at binitawan kamay ko

Napalunok pa ako ng laway bago sumagot sakaniya "Si Vil po" sagot ko

"Ang huling Viperidae? Sweetie, bakit?" inis na sabi ni mama

"A-Ah tita, wag nyo pong pagalitan si Zen hehe" pag singit ni Miller

"Oo nga tita, her life is no longer in danger" sabi ni Diana

"Goddess Trina and Goddess Serine already fixed everything tita" magalang na sabi ni Kade

"At saka nagawa nya lang po iyon dahil sa galit nya kaya minsan nakakatakot po anak nyo" pinaningkitan ko ng mata si Draven dahil sa sinabi niya "Hehehe peace"

Napalingon ako kay mama ng bumuntong hininga ito.

"Hayst basta hindi mo na ilalagay sa panganib ang buhay mo, walang problema iyon saakin" nakangiting aniya

Mag sasalita na sana ako ng may nakita akong isang arrow na papalapit saamin. Agad kong tinabi si mama at sinambot iyon gamit ang kamay ko. It's Ara's arrow.

"Ano yan sweetie?" tanong saakin ni mama

"It's Ara's arrow, a cupid friend of mine" simple kong sabi habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko dun sa arrow

Bakit nagpadala ng isang arrow dito si Ara? Anong ibig sabihin nito?

"Wait. Do you all know the story of god of Cupids?" tanong ni mom

Nagkatinginan kaming lahat "Break the arrow with an enchanted water and you'll find your answer" sabay sabay naming sabi ng mga kasamahan ko

Patakbo akong pumasok muli sa loob ng templo. Ewan ko kung anong ibig sabihin ni Ara at nagpadala siya ng arrow pero may masamang kutom ako dito.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now