14 : Clinic

5.5K 251 5
                                    

Zen's POV

"HM, dadalhin ko na po pinsan ko sa clinic" sabi ni Gina kay HM

"Sige. Susunod nalang ako sainyo" sabi ni HM at nginitian ako ng tipid bago kami maka alis.

"Sorry, nahuli ako ng dating" sabi ni Gina habang papunta kami sa may clinic

"It's okay. Sabihin mo nalang saakin kung paano nakapasok, sino ang nagpapasok at saan nang galing mga pangit na yun" mahina na sabi ko dahil kapag umimik pa ako ng umimik ay baka mas mapagod pa ako

"You can heal yourself right? Bakit hindi mo pa gamutin sarili mo?"

"Edi nag taka sila?"

Tumango tango nalang siya. Wala kami nakakasalubong na student dahil ang lahat daw ay nasa kaniya kanyang mga kwarto, for their own safety.

Nang makarating kami sa clinic ay sinalubong agad kami ng mga healers. Hiniga nila ako sa kama at tinaas ng kaunti yung gamit ko para makita yung sugat ko. Hindi ko iyon natingnan dahil nanatili lang akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Tinapat nung dalawang healers ang kamay nila at umilaw ito.

Tumagal ata ng dalawang minuto bago sila lumayo ng kaunti saakin. Tiningnan ako nung isa.

"May masakit pa ba saiyo?" tanong niya pero nag taka ako ng nakita ko mata niya

Mata ng ahas..

"I need to control her body for now, Zenadia. May nalaman siya tungkol sayo nang ginamot ka niya, pati na din ang kasama nya pang isa kaya kailangan kong maalis iyon sa utak nila" pagkasabi nun ni Vil ay napansin kong ganun din ang mata nung isa

Napabuntong hininga nalang ako "Wala na"

Ilang sandali lang ay bumalik na din sa dati ang mata nila at umalis na. Lumapit saakin si Gina.

"Yari ako kay kuya kapag nalaman niyang pinabayaan kita" sabi niya

"Then don't tell him. Wala na din naman mag iiba kung sasabihin mo sakaniya" walang galang na sabi ko

"Yeah you're right" at napabuntong hininga bago tumingin saakin ng seryoso "May plano ka na ba?" tanong niya

"Sa ngayon, wala pa pero may tumutulong na saakin" sabi ko, referring to Vil.

"Sino? Sigurado ka bang mapagkaka tiwalaan siya?"

"Yes, I'm sure of it" simpleng sagot ko "Paano nakapasok ang mga Balzors dito sa academy? I thought may barrier na nakapalibot dito?"

"Sabi ni HM, it's either may nagpapasok dito o sadyang napakalakas lang ng nilalang na sumira sa barrier para makapasok ang mga Balzors. May nga trackers na ang nag hahanap ng sagot diyan"

"Ano bang ginagawa ninyo at huli na kayo dumating?"

"Kaya hindi kami agad nakapunta ay pinigilan namin na lumaki yung butas ng barrier. Mas delikado kung mas lalaki ang sira nuon, mag kakaroon ng tyansa ang iba't ibang halimaw okaya ang ibang may maiitim ang kaluluwa na umatake. Dito nag aaral ang ilang royalties at ang crown prince ng dalawang kaharian kaya delikado"

"Crown prince ng dalawang kaharian?" taka kong tanong

Napakunot naman noo niya "I thought your smart? Bakit hindi mo manlang alam na prinsipe ng dalawang kaharian ang lalaki na kasama mo kanina?"

Napakunot din noo ko at inalala kung sino ba kasama ko kanina.. hindi kaya..

"That idiot!?" medyo malakas na tanong ko

"Hey. I know you hate royalties but don't call him names. Baka putulin dila mo" pananakot niya saakin kaya hindi ko napigilan na mapa irap

"Aren't Balzors lives in underground world?" taka kong tanong

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon