42 : Vie de Islium (Part 2)

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Who killed your mother? I mean, if it's okay" alinlangan na tanong nya

No.. I can't tell him.


Draven's POV

"Sandali lang naman" sabi ko dahil kanina pa ako hingal na hingal kakalakad

Sobrang tirik pa ng araw at para kaming nag frefree trial sa kaharian ni Hades. Nag wawala na din mga alaga ko sa tyan, kawawa naman sila. This is a torture!

"Hoy! Wag ka ngang pakupad kupad diyan Draven. Baka nakakalimutan mo na muntikan na tayong maligaw dahil sa pagpapahinga mo" sumbat saakin ni Diana kaya napanguso ako

Ang sama talaga ng babaeng ito saakin! Walang puso!

"Eh hindi ko naman alam na teritoryo pala ng banagis na hayop ang hinihigaan ko kanina" pag dedepensa ko sa sarili ko

Kanina kasing tanghali pagkatapos naming kumain ay nag pahinga muna ako, hindi ko naman alam na tinitirhan pala iyon ng isang mabangis na hayop kaya hinabol kami nito at muntikan na kaming maligaw. But thanks to me also, and my pathfinding skills, nakabalik agad kami sa track.

"Mamaya ka na mag pahinga! Pauwi na din naman tayo mamaya" mataray na sabi naman ni Danica

Hindi na ako na tataka kung bakit sila magkapatid, parehas masungit! Mas malala nga lang si Danica hehe. Si Miller naman ay tawa ng tawa habang si Kade ay napailing iling nalang. Mga taksil! Hindi manlang ako kinampihan.

"Hayst si Zen lang talaga ang mabait saakin eh" sabi ko

Totoo naman eh. Kahit na may pagka freezing winter attitude yun si Zen at laging seryoso, hindi nya naman ako inaasar o nilalait ng ganito. Madalas kasi ay walang paki alam saakin si Ethan kahit na binubugbog na ako ni Diana. Sadista itong babaeng ito eh, masyadong mapanakit!

"Kamusta na kaya si Zen?" biglang tanong ni Diana

"Aba malay ko. Pareparehas tayong naandito kaya wag ako ang tanungin mo" pagganti ko sa pag susungit niya saakin kanina.

Aba anong akala niya? Siya lang pwedeng mag sungit? Kaya ko din yun noh! Isang matalim na tingin ang binigay niya saakin habang si Miller ay tawa pa din ng tawa, hindi ba sumasakit tyan ng isang ito?

"Hey guys.. is that, Vil?" napatigil kami sa pag kukulitan dahil sa sinabi ni Kade

Agad kaming lumingon sa tinuturo niya at nakita ko nga si Vil na naka anyong tao habang nag lalakad papunta saamin. Para akong nakakita ng dagat sa isang desyerto. Our life saver!

"Vil!" tawag namin dito at lumapit sakaniya

"What are you doing here?" tanong ni Kade

"And how--- she's awake!?" gulat na tanong ni Miller

Tumango naman si Vil at kita ang saya sa mga mukha ng kasama ko habang ako ay nakunot ang noo at hindi maintindihan ang pinag uusapan nila.

"Uhh who's awake?" okay, call me handsome slow headed guy pero hindi ko talaga alam kung anong pinag uusapan nila

"Ang slow mo talaga!" bulyaw saakin ni Diana

"Si Zen, gising na siya" nakagiting sabi ni Vil

"Nice!!"

"But what are you doing here, Vil?" tanong ni Danica

"Aren't you supposed to be with Zen?" tanong naman ni Kade

"Inutusan ako nya 'ko na hanapin ang pinuno dito" simpleng sagot niya "Pero mukhang nahanap nyo na siya"

Yup, kaya pabalik na kami ngayon ay nahanap na namin ang pinuno pero kailangan muna naming hinatayin na magising si Zen kaya hindi muna namin hiningi ang simbolo.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ