Chapter 38

20 9 0
                                    

Pag balik ko sa kwarto ay binuksan ko ang ilaw at dumaretso sa study table, kinuha ko ang isang folder sa loob ng plastic envelope. At ganun na lang ang gulat ko pag bukas ko ng folder ay nakita ko ang mga properties ng Peyton na naka pangalan sa akin.

Tuluyan na naipasa sa akin ang lahat.

Nag halong halong kaba, excitement at saya ang nararamdaman ko.

Binuksan ko din ang ilang folder puro name properties lang at ang ilang naman ay history ng Peyton.

May isa naman na cd.

Hindi ko alam kung para saan yung CD, gusto ko sana panoorin pero baka makinood din sila.

Kumuha ako ng damit ko para mag palit ng pambahay. Mag huhubad na sana ako ng maalala na may camera. Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok sa loob ng CR bago nag hanap ng anything na camera, pero safe naman.

Kinuha ko ang damit ko at nag bihis sa loob ng CR.

Pag labas ko ng CR ay sinalampak ko ang katawan ko sa higaan ko.

***

Tumayo ako ng makarinig ako ng kalabugan sa baba.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa sala. Gulo gulo ang buong baba na parang dinaanan ng isang malakas na hangin, ang ilang vase ay basag, halos lahat ng tauhan namin ay naka handusay.

"Mom?" tawag ko "Dad? Kuya?"

Tinutok ko ang baril sa likod ko ng may maramdaman akong tao.

Wait bakit may hawak akong baril?

"Mom" agad ako lumapit sa kanya

"You need to leave this house" nahawakan ko naman sya ng muntikan siyang matumba.

Napahawak ako sa likod nya at naramdaman ang basa. Pag tingin ko sa kamay ko ay may dugo.

"Mom" tumulo ang luha ko kasabay ng pag bagsak nya sa sahig "Mom please..."

Napatingin ako sa malayo ng may nakita akong anino na papalapit. Tumayo ako at inangat ko ang kamay ko na may baril.

Pinunasan ko ang luha ko at dahan dahan lumapit sa anino. Pag labas nya ay tinutok ko ang baril ko sa kanya at ganun din sya.

Kilala ko ang tindig na yun.

"You killed my Father" yung boses na yun "And I have no choice but to kill your father as well" tinggal nya ang tabing sa mukha nya

"Jairus" hindi ko nilingon ang tumawag sa kanya pero kilala ko iyon

Si Joms

Tumabi sa akin si Joms na may nakatutok na rin na baril kay Jairus.

Tumulo ang luha ko dahil hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito.

"Ibaba mo ang baril mo Jairus" wika ni Joms

"Why would I?" sagot ni Jairus at hindi naman nakasagot si Joms

Halos yumanig ang buong bahay namin ng sunod sunod na may sumabog, napansin ko na lang na natumba na si Joms sa gilid ko.

Pinaputukan ko si Jairus at halos kasabay nun ay pag bagsak ko din sa sahig.

Napahawak ako sa dibdib ko ng sumakit ito. Tumingin ako kay Jairus na nakahawak sa tagiliran nya habang nasa sahig na rin.

Tinaas nya ang baril nya at ganun din ako bago kami nag palitan ng putok ng baril at ang sumunod na nangyari ay pag salampak ko sa sahig at ganun din sya.

***

Naalimpungatan ako dahil sa hapdi sa aking braso. Napatingin ako sa isang anino. Napatayo ako mula sa pag kakahiga ko.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Where stories live. Discover now