Chapter 36

27 14 0
                                    

May tatlong lingo na ng matapos ang outing namin sa ilocos. Nag karoon naman na kami ng bond ng boys pati na rin si Sofy at kahit inis ako kay Dian ay napag tanto ko na medyo mabait naman pala sya.

Malandi lang talaga.

Nag simula na din ang klase namin para sa ikalawang semester ng taon. Di tulad noong unang semester, ngayon kailangan na namin mag seryoso dahil ilang buwan na lang ay mag tatapos na kami.

Ang Kinakabahala ko naman ay hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka pili ng school na papasukan o kung anong kurso ang kukunin ko.

Noong pag uwi ko naman galing outing ay inabala ko ang sarili ko sa kumpanya. Para pag aralan pa ng mas mabuti.

"Punyeta!" asik ko ng paulit ulit akong nag drawing ng blueprint para sa organization and management na subject.

Nakagawa na kami ng product na pwede namin ibenta ang kailangan lang namin gawin ay yung mismo disenyo ng pinaka tindahan namin.

After namin makagawa ng blueprint ay gagawa kami ng diorama, example ng pinaka store namin.

Ang napili naming business is Coffee shop.

"Tingin nga" hinila ni Zarah ang papel na napag guhitan ko na "Maganda naman a"

"Pero hindi sya ang best" nag simula ulit ako gumuhit

"Ayan ang mahirap sayo e, ayan na nga okay na nag hahanap ka pa ng mas hihigit pa"

"Wag ka na lang maingay, doon ka na nga"

Nag lagay ako ng earphone at nag pagtugtog na lang sa cellphone ko.

Nasa botanikal kami ng mga ka grupo ko sa management at gumagawa nga nito. Well ako ang nagawa ng blueprint ng pinaka store namin, habang sila ay nag uusap sa mga ingredient ng kape na magiging example namin para sa oras na mag report kami may sample kaming ipapakita.

Sa pagkalipas na lingo ay naging busy na talaga kami dahil dito na pumasok ang research namin at itong project namin sa organization and management.

Mag kakaroon din kami ng immersion sa darating na february.

Di na katulad last sem ay puro practical ang exam na kami sa darating na fourth grading.

Pag uwi ko ay nakita ko ang tatay ko na nasa sala ng mansion at nag babasa. Si Kuya naman ay nasa isang love seat habang nakatutok sa laptop habang ang gilid nito ay puro papel.

"Hija" bati ni papa bago tumayo at niyakap ako "How's your day?" tanong nito

"Ahmm... Great?" patanong na sagot ko

"Gwyn Reese hija" bati ni mama na kalalabas lang din ng kusina, niyakap ako nito "Kumain ka na?"

Hindi agad ako sumagot dahil nag tataka ako sa inasta ng magulang ko. Napatingin ako kay kuya na natatawang umiiling habang naka tutok sa laptop nya.

"Ahm..."

"Mag bihis ka na at baka pagod ka anak dadalhan kita ng merienda sa kwarto mo"

"Yeah thanks mom" tumungo ako sa kanila at umakyat sa kwarto.

Agad ko kinuha ang cellphone ko para sana sabihin kay Jairus na kumpleto ulit kami sa bahay, pero naalala ko na wag na pala.

Simula din ng outing ay hindi na kami masyado nag uusap ni Jairus, kasabay namin sila tuwing lunch or break time kasama ang dalawang babae, sila sofy at dian, pero hindi kami masyado nag papansinan.

Kami naman ni Joms ay maayos naman din, minsan ko na din sya nakasama sa isang transaksyon na ginawa ng Peyton. Sya ang kasama ko gumawa nun.

Desidedo na kami ni Joms na itigil ang kasal at ang pangunang hakbang namin ay ang patayo ulit ng peyton.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Where stories live. Discover now