Chapter 22

29 17 0
                                    

Gwyn Reese POV

"E kung hatiin na lang kaya natin ang rereviewhin natin?" wika ni Caleb

"Edi nag cheat tayo" wika ni Zarah habang hindi tinatapunan ng tingin si Caleb

Nasa canteen kami ngayon. Sa afternoon pa ang exam namin pero pumasok kami ng maaga para mag review. Kasama din namin sila Joms sa lamesa na katulad ng dalawang bakla ay puro kalokohan, wala pa si Jairus na syang sumasaway sa mga kaibigan nya kaya sobrang ingay nila.

"Magandang ideya yan, para perfect tayo" si Khaye

"Sige ano plan?" Lenox

"Ang galing naman ng plan nyo" nanunuya kong wika, napatingin naman sila sa akin "Tapos pag nahuli pare parehas din P. O. D" nakangiwi ko "Mag review na lang kayo dyan, mas magandang galing mismo sa isip nyo ang sagot"

"Wow is that you Gwyn?" si Khaye na napahawak pa sa dibdib nya

"Bagong buhay na si meme" tawa ni Lenox

"Dapat lang ikakasal na yan noh" singit ni Zarah

"Manahimik nga kayo" inis ko

"Nandito ang inspirasyon hahaha" -Caleb

"Hahahahaha" tawa nila, maliban sa amin ni Joms

"Ang galing nyan" wika ko

Humarap ako sa gilid ko at pag harap ko ay si Jairus agad ang nakita ko. Halos mapatalon ako sa gulat at biglaang kaba dahil sa pag sulpot nya. Para tuloy siyang ligaw na damo na biglaang nasulpot.

"Ano ba ginagawa mo dyan, atakihin ako sa puso sayo" wika ko, umupo naman sya sa tabi ko at nag labas din ng notebook nya

"Ano na nirereview nyo?" tanong nya habang binubuklat ang notebook nya

"Sa 21st century literature from the Philippine and the world" mahabang sagot ko

Tumigil na din sa mga kalokohan ang iba kong kaibigan at sila Joms at nag simula ng mag review ng seryoso.

Katulad ng kahapon ay puro palitan sila ng tanong at sagutan. This time din medyo seryoso na sila, well may times na nahahaluan ng kalokohan lalo na pag need ng explanation ng isang bagay, pero di na tulad kahapon na pure kalokohan.

Nag simula na kaming mag ayos ng gamit namin ng marinig namin ang bell.

Pag pasok namin sa classroom ay busy ang lahat sa kakareview, well hindi naman lahat may iba pa rin na nakuha pang makipag harutan.

Ilang minuto pa ay dumating na ang guro namin at nag simula na mag exam.

Well tuwing exam ano pa ang aasahan mo, may mga nag checheat may nag papasahan ng sagot o may nag bubulungan pero dahil mabait ako hindi ako nakikisal-- na lesson ba ito?

Halos mag dikit ang kilay ko. May sagot na ako sa iba dahil may choices naman pero pag dating sa identification ay bakit parang hindi ko alam. Halos paulit ulit ko itong binasa.

Ano ba ito Jusko. Inangat ko ang paningin ko na agad ko naman binalik ang tingin sa papel ko dahil nakatingin sa akin ang guro namin.

Pasimple akong tumingin sa tabi ko. Wala din syang sagot, tumingin ako ako sa isa pang gilid ko. May sagot sya pero hindi ko maintindihan ang sulat nya. Naka alphabetical order kasi kami kaya hindi ko katabi ang mga kaibigan ko.

"Ang mga mata" binalik ko ang tingin ko sa papel ko ng mag salita ang guro namin

Bahala na ang importante may maisagot.

Kahit alam kong mali ay sinagutan ko pa rin sana matulungan ako ni batman this time, bahala na si batman.

Lahat ng mga alam ko ay sinagutan ko kahit hindi ko alam sinasagutan ko pa rin, baka sakaling tsumamba at maging tama ang sagot ko.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon