Chapter 34

33 14 0
                                    

9:30 na ng gabi at nag iihaw na lang kami ng mga marshmallow. Nag hapunan na din kami kanina kaya nag kwekwentuhan na lang kami. Siempre nangunguna dyan ang mga bakla at si Caleb na natural ng maingay talaga.

Pagkatapos namin mag usap kanina ni Jairus ay iniwan ko na sya para hindi na humaba ang usapin namin.

Hindi na rin muna kami nag kibuan hanggang ngayon.

Masayang nag tatawan ang lahat hanggang sa nag pasya ang iba na pumasok na sa loob para matulog. Nauna na din ako pumasok ang iba naman ay nanatili sa labas at doon na daw sa tent matutulog. Well ang mga boys ang naiwan para sa tent na daw matulog.

Ako si Sofy, Zarah at ang dalawang bakla ang nasa loob ng van. Nasa taas ng double deck si Zarah habang ako ay nasa baba si Sofy naman ay nasa ulunan namin kung saan may double deck at taas nito ay si baklang Khaye at sa gilid kung nasaan si Dian at nasa taas din nito si Lenox. Isa o dalawang tao naman ang pwedeng matulog sa lapag kung saan may pwedeng hilain na kama. Pero ang apat na lalake ay doon na daw matutulog sa tent para may mag bantay sa labas.

Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko dahil hindi ako makatulong. Tumayo ako at lumabas ng kwarto bago nag salin ng tubig sa baso.

Gising pa kaya sila sa labas. Tumingin ako sa orasan saktong alas tres na ng madaling araw.

Lumabas ako ng van. Kakapatay lang ng siga nito dahil may usok pa. Konti na lang din ang tao na nasa labas.

Narinig ko ang ilang kaluskusan sa gilid. Dahan dahan akong lumapit sa pinangalingan ng kaluskos.

Ramdam ko ang ilang mabilis na galaw. Tanging liwanag lang ng malaking buwan ang meron. Lumapit ako sa mapunong bahagi ng lugar para tignan sana ang mga nangyayari nang may marinig ko naman ang pagkasa ng baril.

Bago pa ako makalingon ay may humila na sa akin at sinandal ako sa puno. Narinig ko naman ang pag tama ng isang bagay sa puno bago mag hunihan at lumipad ang mga ibon palayo.

Hinawakan ako nito sa bibig at nag sign na wag ako maingay. Si Jairus.

"Jairus are you okay?" bulong ng lalake sa gilid namin "Gwyn? What are you doing here?"

"Joms kayo ano ginagawa nyo dito?" balik na tanong ko

"We have no time" wika ni Jairus "Take care of her"

Sumilip si Jairus bago umalis sa harap ko.

"Let's go" hinila na ako ni Joms palayo doon at hinatid sa van

"Joms" bungad ni Caleb nasa labas na din si Khaye at Lenox

"Puntahan mo si Jairus doon" wika ni Joms

Tumungo ng mababaw si Caleb bago patakbong umalis.

"Ano ang nangyayari?" tanong ko

"Someone's here to kill you"

"What me? Why?"

"Same reason, they want to kill you and own the peyton"

"We are not safe here anymore" Wika ni Lenox

"Let's wait for Jairus to arrive" tumingin si Joms sa akin "Lenox Khaye protect her"

"Tara na sa loob Gwyn mas ligtas doon" wika ni Khaye

"Joms mag iingat kayo"

"We will" sagot nya bago umalis

Pumasok na kami sa loob ng van. Halos pamabalik balik ako ng lakad dahil sa kaba.

Sana bumalik sila dito ng ligtas.

Binigay ni Khaye ang cellphone sa akin at pinakita ang naka note.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu