Chapter 39

24 10 0
                                    

Gwyn Reese POV

Katulad ng plano namin ng dalawang bakla ay alas onse ng gabi ay inayos ko ang sarili ko.

Hindi ako naniniwala kay Jairus pero kailangan ko pa rin makasigurado.

Kanina pa nakaalis sila kuya kaya nag handa ako.

Hinarang pa ako ng mga bantay namin at hindi daw ako pwede lumabas at utos daw iyon ng tatay ko. Nginiwian ko pa sila, pumasok ako sa loob ng bahay at dumaretso sa likod, akala nyo a.

Pumunta ako sa lugar kung saan kami mag kikita ng mga kaibigan ko. Pumasok ako sa loob at doon nakita ang mga kaibigan ko pero hindi lang ang dalawang bakla ang nandoon, nandoon na din si Zarah at si Joms.

"Bawal pa kayo lumabas ng ospital diba?" tanong ko

"Baka need mo ng back up" nginiwiaan ko si Joms

Wala naman din ako magagawa at nandito na sila. Pinaliwanag ko ang mga gagawin namin, si Lenox at kay Khaye, pinapaiwan ko ang dalawa dahil hindi pa sila masyadong galing pero mag iiwan kami ng Earpiece para kung baka sakali na kailanganin namin ng backup.

Nilapag ko ang naman ang bag na dala ko na puro baril at binigyan sila.

Nag pusod ako ng buhok ko gamit ang matalim na bagay ay tinusok ko ng pa eks ang bagay na iyon sa aking buhok.

"We're here" wika ni Bakla

"The plan" wika ko. Nagpark si Khaye.

Nasa isang parking kami ng isang hotel kung saan gaganapin ang transaksyon. Sa pinaka taas ng parking kami nag park, bumaba kami kung saan gaganapin ang transaksyon.

Pumasok kami sa sasakyan sa medyo malayo na hinanda ni Lenox para makita namin ng tuluyan ang mga ginagawa nila.

"Ano na ang nangyayari?" tanong ni Joms sa earpiece

"Wala pa pero madaming mga unggoy" aawit ni Khaye

Nilibot ko ang paningin ko nakita ko doon ang tatlong lider.

Fernando Felix

Ronald Jagger

Eduardo Esteban

Tinignan ko lang sila kuya kausap ang tatlong matandang lalake. Tumawa ang isa.

"12:15" wika ko lumabas naman si Khaye sa sasakyan bago pumuwesto

Tinignan ko si Kuya na namula at bakas dito ang galit. Puro DAV ang kasama ni Kuya, may tiwala naman ako sa mga DAV pero hindi sapat ang mga tauhan na dala nya.

"Lenox 12:18"

"Akala ko sa 12:30 pa"

"Just go" lumabas ito sa sasakyan at pumuwesto na din

Hinanda ko ang Mk. 12 SPR binuksan ko ng konti ang bintana ng sasakyan ko.

Ilang sandali pa ay nag simula ang putukan "Lenox Khaye go" wika ko

Sumilip ako sa largabista ng baril bago pinaputukan ang ilang kalaban na nasa harap ni Kuya. Hinanap ni Kuya kung saan nangaling ang putok pero hinila na sya ni Lenox.

"Zarah Joms ready" wika ko habang isa isa pinaputukan ang kalaban.

Hinanap ko ang tatlong matanda pero hindi ko na sila nakita pa, dapat pala inuna ko na isa sa kanila.

Dumating ang sasakyan nila Zarah at doon nila sinakay si Kuya na may tama na pala ng baril, Sumilip sa bubong ng sasakyan si Joms at sunod sunod na pinag babaril ang mga lalake.

Napasilip ako sa likod ko ng may naramdaman na tao doon.

"Gwyn" tawag ni Khaye sa earpiece

Agad ko pinaputukan ang lalake.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora