Chapter 45

20 7 0
                                    

Janauary na at bukas may pasok na ulit kami, nakatingin lang ako sa braclet na bigay sa akin ni Jairus na nasa box pa, hindi ko ito tinatanggal sa box.

Ewan pero kinikilig ako dahil sa bigay nya sa akin. Nabigay ko din naman ang regalo ko sa kanya na couple keychain.

Napatingin naman ako sa picture frame naming dalawa kasama ang aso. Pinilit ko talaga sya na kumuha ng litrato.

Napatingin ako sa isang papel sa gilid ng lamesa. Ito yung papel na binigay ng bata nung bago mag noche buena.

Binuklat ko ito at tinignan ang papel.

EW llWi lilK ouRy miaLfy nOe yB eNo eb Aredy

-Merry Christmas, Peyton

Nangunot ang noo ko dahil sa naka sulat, siguro typo errors lang at sa baba talaga ang message. Pero typo errors e sulat kamay sya

"Gwyn" katok ni Kuya

"Come in" tiniklop ko ulit ang papel

"What is that?"

"Christmas greeting lang"

"Kanino galing?"

"Ah sa bata nung sa party nung 24, bakit?"

"Wala lang, here" abot sa akin ni kuya ng envelope "About sa company, well yeah nakakabawi na ang Peyton, kailan mo pala balak mag pakita sa mga empleyado at sa tauhan ng Peyton"

"Siguro after ko grumaduate ng senior"

"Okay kailangan mo mag focus sa acads mo, nasabi na ba ni mama sayo ang pag aral mo sa europ?"

"Oo pinayagan nya ako kumuha ng kursong gusto ko"

"So ano plan mo?"

"Persue my dreams, I want to be an architect kuya, but don't worry hindi ko papabayaan ang company"

"Kahit anong plano mo susuuportahan ka namin"

"Thank you kuya, your are the best kuya"

"Ofcourse ako lang naman ang kuya mo"

"Sus, anyway Kailan mo balak ligawan si Jaime"

"Psh" Tumalikod si kuya at lumabas ng kwarto ko

"Ilalakad kita sa kanya don't worry hahahah" sigaw ko

Napailing lang ako at tinignan ulit ang bracelet na bigay ni Jairus.

Nang hapon ay nasa bahay lang ako at inaayos ang company.

Kinuha ko ang laptop ko at nag open ng email. Tinignan ko ang list ng Peyton Organisasyon.

Madami na ding tauhan di tulad noong nakaraang tingin ko.

Peyton Organization History

Ang peyton ay binubuo ng apat na lider. Boss, underboss, consigliere at caporigimes.

Ang peyton ay naitatag noon 1954 na pinangunahan ng great lolo ko. Isa syang pure italian.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz