Chapter 16

36 18 4
                                    

Nag patuloy tuloy ang pag hatid at sundo sa akin ni Joms ng ilang linggo. Minsan na lang din kami mag usap ni Jairus dahil palagi kong kasama si Joms.

Minsan din hindi ko maintindihan si Joms at pilit nya ako pinapalayo kay Jairus pag minsan na nag uusap kami.

Ganito ba talaga pag may boyfriend? Wait boyfriend ba ang maitatawag ko sa kanya.

Minsan din ako kinausap ni Sofy sa hindi malaman na dahilan.

"Alam ko matagal na ito nangyari, pero totoo ba?" tanong ni Sofy, kita ko ang sakit sa mga mata nya "Totoo bang ikakasal kayo?"

"Hindi ko ginusto"

"I know" Kumurap sya kasabay ng pag tulo ng luha nya na agad naman nya pinunasan "Halata naman din na matagal mo na gusto si Rayden, diba?"

"Pero alam ko ang limitasyon ko"

"Alam ko din. Pero mahal mo ba sya? Kasi ako oo, hanggang ngayon, mahal ko sya"

"Bakit pumayag ka makipag hiwalay? Sabi nya ginusto nyo mag hiwalay"

Tumungo sya at hinawakan ang kamay "Dahil akala ko pipigilan nya ako, akala ko hahabulin nya ako, hindi ko alam, Gwyn. Hindi ako kasing yaman nyo, wala kaming kompanya katulad ng sa inyo, kaya nung araw na nalaman ko na kailangan ng kompanya nyo ang Jackson nag tiwala ako na pipigilan mo yun, at nag titiwala pa rin ako na pipigilan mo pa rin. Pero nitong mga nakaraang araw, biglang nag bago ang pakikitungo nya, hindi sya pumasok katulad nyo, walang calls walang text na galing sa kanya, wala ring gabi na napapaisip ako na bukod sa hindi kami kasing yaman nyo, ano pa ba ang mga bagay na hindi ko nagawa at naibigay sa kanya, na kaya mong ibigay at gawin para kay Rayden" patuloy na iyak nya "Kasi halos maubos ako maibigay lang ang lahat ng deserve nya, dahil mahal ko sya. Sa maikling panahon na naging kami, akala ko sya na, sya lang nag bibigay ng ibang pakiramdam sa akin na hindi ko naramdaman sa iba, kaya isang araw tinawagan ko sya, na mag kita kami, doon..." sandali syang tumigil bago mag salita ulit "...Doon ko sinabi na mag hiwalay na kami, akala ko pipigilan nya ako, akala ko hahabulin nya pa ako, pero hindi, alam mo kung ano sabi nya Gwyn"

Hindi ako nag salita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Bukod sa mga kaibigan ko sya lang ang nakita ko na umiyak sa harap ko.

"Ang sabi nya na mas mabuti nga yun. Buti inunahan ko siyang makipag hiwalay, sobrang sakit, kaya Gwyn, alam kong gusto mo sya pero sana mahalin mo sya ibigay mo ang bagay na deserve nya, gusto ko sana magalit sayo kasi akala ko pipigilan mo, pero wag kang mag alala tatanggapin ko na lang, sadyang may tao lang talaga na sasamahan ka sa journey mo pero hindi magiging destinasyon mo, at si Rayden yun, nasamahan ko sya sa journey nya patungo sayo"

"Ikaw pa rin ang gusto nya, Sofy" wika ko "Kahit ako ang kasama nya ikaw pa rin ang gusto nya"

"Nasabi na nya sa akin lahat ikaw ang gusto nya, sinabi nya sa akin kaya sana... Sana alagaan mo sya, wag nyo na lang ako iinvite sa kasal nyo, wag ka din mag alala, after ng semester na ito, ako ang lalayo" ngumiti sya at tumalikod at nag lakad palayo, hindi na ako nakapag salita pa dahil umalis sya sa harap.

Ang selfish ko ba? Selfish ba kung tatawagin na pinili ko na ituloy ang kasal hindi para sa akin kundi sa akin pamilya.

After ng mga pakikitungo ni Joms sa akin, hindi na ako nag hanap ng paraan para itigil ang kasal.

Nag stay pa ako ng ilang minuto sa amphitheater, sa taas ng rooftop. Para makapag isip, hindi na din ako nakapasok sa third class namin.

May nasaktan na pala akong tao dahil sa desisyon ko.

Alam ko naman din at ramdam ko si Joms, kasama ko sya pero malayo ang loob nya sa akin.

Ramdam ko na hindi nya ako gusto.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant