Chapter 33

27 13 4
                                    

Gwyn Reese POV

Kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa ginawa ni Jairus. Pumunta ito kaninang umaga pero ang sinabi ko lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pero totoo naman.

Hindi talaga maganda pakiramdam ko. Feel ko tuloy anytime lalagnatin ako.

Pero ang isang malaking tanong

Bakit o ano dahilan nya para gawin nya yun?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Alas nuwebe na ng gabi, buong araw ko din hindi binuksan ang cellphone ko, wala din akong balak sumama sa outing bukas.

Wala ng tao sa baba ng mansyon tanging ilang tauhan lang, wala din si kuya at umuwi sa bahay nya para asikasuhin ang Peyton Company bukas.

Nasa Kitchen na ako bago kumuha ng pitsel at nag salin ng tubig sa baso. Umupo ako sa bar counter at ininom ang tubig.

"Yow girl" Nilingon ko ang tumapik sa akin

"What are you doing here?"

Tumingin sya sa paligid "Well" inabot nya sa aking ang brown envelope "Hindi ka sumasagot sa email ko at nakapatay ang cellphone mo, kaya sumadya na ako dito, may pinagawa din si Mr. Rohan sa akin kaya nakapasok ako dito, don't worry din hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito"

Kinuha at Binuksan ko ang brown envelope at tinignan ang laman nito "Dark Organization leaders, Desdemona. information" basa ko

"Ngayon ko lang nagbigay dahil kanina ko lang nakumpirma ang lahat" paliwanag nya "May sampung miyembro ang Dark organization, pero may pinakamataas sa kanila yun ang pinaka boss ng organisasyon, eleven members kung bibilangin"

Dark Organization
Boss of bosses : Unknown
Bosses :
Charlie Sawyer
Alexander Uy
Fidel De Leon
Eduardo Esteban
Lennon Leondale
Fernando Felix
Ronald Jagger
Arthur Axel Mayo
Ronnilyn Ray Sampaga
Jairus Gail Emerson

"Si Jairus?"

"Ayaw ko din sana maniwala pero ayon sa research ko, si Jairus ang bagong miembro ng organisasyon"

"Pero paano at bakit?"

"Sila Caleb at Bryson, isa sila sa miembro ng organisasyon na binuo ni Jairus o Desdemona kung tawagin at base sa pag sisiyasat ko pang lima sila sa mga listahan sa nangunguna sa underground transaction, Alpha ang tawag nila sa leader ng Desdemona, which is si Jairus"

"Wait so ibig sabihin, isa si Jairus sa gustong mawala ang inferno at ang Peyton. Dahil miembro na sya ng D.O.(Dark organization) "

"Impossible at possible yun"

Napatulala ako, ibig sabihin nun, kalaban na namin si Jairus.

"Wag ka mag alala Gwyn, isa pa hindi pa kumpleto ang impormasyon tungkol kay Jairus, kaya hindi natin masabi kung kalaban ba sya o hindi, bagong salta pa lang din sya doon"

"Sa ngayon Zarah wala muna makakaalam nito"

"Kahit si Mr. Rohan?"

"Kahit sya"

"Masusunod Ms. Gwyn"

Bakit hindi ko agad napansin ang lahat ng iyon kay Jairus. Kung isa na sya sa D. O, kalaban na din namin sya. Pero paano o ano gagawin ko.

Hindi na nag tagal pa si Zarah sa bahay at umalis na, sinabihan pa ako nito na sumama bukas at mag roroad trip lang daw kami para makapunta sa iba't-ibang lugar.

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant