Chapter 14 : Happiness

41 17 0
                                    

Das Autem Valdis

Search ko pero walang lumalabas. Kung saan saan na ako napunta kaka search sa mga yan.

Nawawalan na ako ng pag asa na mga oras na ito.

Tumayo ako at nag palakad lakad sa harap ng laptop.

10pm na ng gabi at mula kanina ay hindi ako lumalabas kaya nakahawak ako sa tiyan ko na kumulo ito.

Tinignan ko ang pagkain na hinatid ni manang kanina, di ko kinain ang tanghalian na hinatid kaya nung dumating sya dala ang hapunan ko ay napabuntong hininga ito.

Sinubukan din ako kausapin ni Mommy pero hindi ko ito pinapansin. Pakiramdam ko kasi lahat ng tao na nasa paligid ko ay hindi totoo.

Ilang beses din ako tinawagan ni Jairus pero hindi ko ito sinasagot. Kahit kaming dalawa ang pakay 'kuno' sa nangyari kagabi ay pakiramdam ko may kinalaman si kuya at si Papa sa nangyari.

Ewan ko pero pakiramdam ko may alam sila sa nangyari. Hindi ko alam ang dahilan at kahit gustuhin ko man tanungin ay alam ko na naman ang isasagot nila.

Kinuha ko ang folder na nag lalaman tungkol sa kompanya.

Lintek ang bata ko pa ang dami ko ng problema.

Lumapit ako sa laptop. Kung hindi ko sya mahanap ng buong pangungusap, baka sa bawat salita. Tama sa bawat silita.

Das

Indian name means SERVANT or SLAVE

Autem

Latin word means OF

Valdis

Means THE DEAD

Slave of the dead

Napahawak ako sa noo ko. Overload na sa info kanina tungkol sa kompanya overload pa dito. Kinuha ko ang pagkain na dala ni Manang kanina, kakainin ko din ang pride ko dahil gutom na ako.

Pinindot ko din ang speaker ko at nag pagtugtog ng classical music. Isang mabilis na tugtog na sumasabay sa tibok ng puso ko.

Pumikit ako at huminga ng ilang beses. Kinuha ko ang tray ng pagkain ko at nilabas.

Madilim na sa mga baba ng bahay pero sakto lang para makita ko ang nilalakaran ko. Pumasok ako sa Kitchen at muntikan na ako mapatalon sa gulat ng makita ang tatay ko na umiinom.

"Gwyn" umiwas ako ng tingin

"Good evening" wika ko, nilagay ko ang tray sa tabi ng lababo, balak ko sana hugasan ang pinag kainan ko pero bahala na ang mga kasambahay "Aakyat na ako"

"Gwyn, Hija"

"Dad kung balak nyo po ako pagalitan please po, wag ngayon" wika ko na hindi humaharap sa kanya

"No I want to ask you a favor"

Humarap ako "A favor, ha" nanunuya akong tumawa, alam kong Bastos ang ginawa ko pero nadadala na ako sa galit ko sa kanila "Ano nanaman ang ipapagawa nyo sa akin na labag sa kalooban ko? Please stop ruining my happiness"

"Just trust me, trust us hija, pakasalan mo ang Jackson"

"Do you want me to trust you dad?" tanong ko "Then tell me, please sabihin mo kung bakit ko kailangan gawin yun, bakit kailangan ko isang alang-alang ang kaligayahan ko. Maraming ibang paraan dad"

"I know that you're angry, but please, don't think that I'm doing this because I don't want you to be happy, it's for you and your brother, I'm doing this because I'm your father, trust me hija. I love you so much and I can do everything for the sake of our family"

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Where stories live. Discover now