"Makinig kayong lima, 4:45 pm hanggang 9:00pm ng gabi, wala kayong ibang gagawin kundi tumakbo mula dito sa labas ng gymnasium paikot sa playground ng ibang sports." sabi ni Fujima sa kanila.

Napatingin sila sa malaking sakop ng playground ng campus.

Napaekis ng kamay si Hanamichi... "Pweh! Yun lang? Ilang laps ba ang kailangan naming gawin Fujima?"

"Kahit malaki ang sakop balewala lang sakin yan, prehh..." Kiyota

Napaismid si Fujima... "Tulad ng sabi ko kanina, simula sa oras na'to hanggang alas nuwebe ng gabi wala kayong ibang gagawin kundi tumakbo. Sa madaling salita, NO LAPS NAMED. Wala akong pakealam kung ilang laps ang magagawa niyo as along as makakaabot kayo hanggang alas nuwebe sa pagtakbo."

Napanganga ang apat maliban kay Hanamichi.

"Walang laps?" Daisho

"Pambihira..." Watanabe

"mauubos yata ang mga lakas natin dito..." maktol ni Nishizaki.

"Wag ka nang magreklamo dyan B0ld Reader!" suway ni Hanamichi.

"Hindi ako B0ld Reader! Pasmado yang bibig mo Sakuragi!" inis na sabi ni Nishizaki pero tumawa lang to.

Tumingin ulit si Hanamichi kay Fujima... "Yun lang ba?"

Napaismid ulit si Fujima... "Oo... Wag kayong magkakamali na bagalan ang takbo niyo kundi..."

"Kundi ano?" Kiyota

"Wala kayong magiging hapunan." Fujima

Parehong bumagsak ang mga bibig nila sa sinabi nito.

"Mari, Ikaw ang magbabantay sa kanila. Sabihin mo agad sakin kung nagloko ang mga yan." Fujima

"Yeah Sure, Fujima." sagot ni Mari at pumasok na si Fujima sa loob. "Hahahah ang harsh ni Fujima noh? Sorry kayo dahil siya ang Coach... Ganyan talaga siya sa mga players." nakangiting sabi ni Mari.

"Wala siyang sing sama! Hindi man lang niya iniisip ang mga nararamdaman namin." reklamo ni Kiyota.

"Akala ko talaga mabait siya..." bulong ni Watanabe.

SA GYMNASIUM... Nagtulong-tulong sina Haruko at ang apat na ungas sa paghahanda para sa magiging hapunan ng mga players. Si Fujima at ang iba ay nagtipon.

"Team, mag 3 on 3 kayo." Fujima

"Okay!" nakangiting sagot ni Sendoh.

"Sendoh, Jin at Fukuda kayo ang second year team. Maki, Ikegami at Hanagata kayo naman ang 3rd years. Icoconsider natin si Ikegami as 3rd year player. Sige, simulan niyo na at ako ang magiging Referee..." Fujima

Nagsitanguan sila at pumunta na sa kani-kanilang pwesto.

Bago pa man sila makapagsimulang maglaro, dumating na naman ang dalawang 4th year na sina Yuki at Zakusa.

Napatingin silang lahat sa dalawa.

"Nandito na naman sila..." bagot na sabi ni Maki.

"Nandito na naman ang dalawang pahamak." Jin

"Bibig mo Jin." Maki

"Hayaan niyo na..." nakangiting sabi ni Sendoh. "SEMPAI!" tawag niya dito.

Kumaway si Yuki sa kanya at ngumiting lumapit sa kanila.

"Ang galing naman, talagang nagplano kayo ng training camp." nakangiting sabi ni Yuki.

"Paano mo nalaman? Wala akong naalala na may sinabi kaming ganyan sa inyo ah?" nagtatakang tanong ni Sendoh.

"Yieee ang pogi mo talaga, Sendoh. Syempre, walang balita ang hindi nakakalusot sakin." Sagot ni Yuki habang kinurot-kurot pa ang magkabilang pisngi ni Sendoh.

"Tch chismoso talaga..." bulong ni Jin pero narinig yun ni Yuki.

"Ansabe mo Jin?" masungit niyang tanong dito.

"Chismoso ka." Jin

"Aba, kahit kailan talaga hindi ko nagugustuhan ang ugali mong yan!" maktol ni Yuki.

"As if naman at gusto ka ng ugali ko?" taray na tanong ni Jin.

"Aba, suplado talaga... Kausapin mo nga yang asawa mo, Maki!" Yuki.

"Tama na nga yan, Yuki. Hindi ko asawa si Jin, mahiya naman kayo." suway ni Maki sa kanya.

"Ayy sorry na, Daddy!" Yuki

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Maki... "Bakit pa kasi nandito ang taong to?"

"If you don't mind Kouhai's... Can we join to your game practice? We're bored kasi eh..." sabi ni Zakusa.

Tumingin si Fujima sa kanya.

"Oh makatingin ka dyan akala mo naman masama ang gagawin ko..." depensa agad ni Zakusa.

"Hindi pa nga kita inaano dyan..." Fujima.
"Sige sumali kayo..."

"Yes!" Zakusa
"Yuki dito ka kina Sendoh, at ako naman kina Maki."

"ANO!!" Jin/Yuki

"Palit tayo Zakusa! Ayoko dito, ayaw ko kay Jin!" Yuki

"Tch!" Jin

"Ano ba kayong dalawa? Hindi magiging pantay ang team pag dyan ako." Zakusa

"Pfft...may isa kasi dito na echusero eh kala mo naman mabait." napahawi ng buhok si Yuki.

"Tch." Jin

"Sige na, simulan niyo na!" Fujima

***

"WHAHAAAAAAAAAH..." Kiyota

"HORAHORAHORAHORA..."Hanamichi

"hindi na ako natutuwa sa ginagawa natin!" maktol ni Daisho habang tumatakbo.

"hindi na'to normal!" Watanabe

"Mas gusto ko pang tumingin ng magazine kaysa ginagawa to." Maktol ni Nishizaki.

"Hoy, Tatlong B0ld Readers dalian niyo dyan!" sigaw sa kanila ni Hanamichi na nasa unahan nila kasama si Kiyota.

Naningkit ang mga mata ng tatlo.

"SABING WAG MO KAMING MATAWAG NA B0LD READERS EH!" Inis na sigaw ni Nishizaki saka hinabol si Hanamichi.

"Nyahahahaha B0ld Reader!" mas binilisan pa ni Hanamichi ang pagtakbo.

"Tumahimik ka na Sakuragi!" Nishizaki

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAMDUNK.]

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now