CHAPTER 105: Tokyo Vs. Akita

701 45 17
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 105: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa mahigit tatlong minutong natitira sa first-half ay sa wakas ay pumasok na si Mikio Kawata bilang substitute player ni Kishimoto. Ang kasalukyang puntos ng bawat kuponan ay 39 para sa Akita Team at 38 naman sa Tokyo Team.

Kunting agwat ngunit mahirap lamangan dahil sa mahigpit at dikit na laban.

Ang Tokyo Team naman ay may isang punto pang hahabulin. May dalawang foul na din si Hanamichi.

Kailangan na nyang mag-ingat.

Subalit ang isa sa mga kinabahala ni Coach Zakusa ay ang pagpasok ni Mikio Kawata, ang pinakamatangkad na player ng Akita Team. Ipinasok siya ni Coach Kawarama kahit nasa loob pa ang kuya nitong si Masashi Kawata, dagdag pa sa listahan itong si Iwata.

Samantala si Coach Anzai ay nakatingin sa gawi ni Hanamichi. Iniisip niya kung sino ang babantayan nito.

"Ano ang plano mo ngayon, Sakuragi?" tanging tanong niya.

"Mahihirapan sila." biglang sabi ni Coach Taoka.
"Ngayon'g ipinasok na sa court ang higanteng player ng Akita Team. Maguguluhan na si Sakuragi kung alin sa magkapatid na Kawata'ng yan ang kanyang babantayan." dagdag pa nito.

"Okay na sana itong si Kiyota na magbantay sa isa dahil halos magkapareho lang sila ng intensity ni Sakuragi kaya lang ay talo siya pagdating sa tangkad. Kung si Hanagata naman ay sa lakas pa lang ay talo na subalit kaya nyang lusotan ang kahit anong depensa. Kumplikadong sitwasyon 'to para sa Tokyo Team. Tila nakalaan ang magkapatid na Kawata para lang kay Sakuragi. Hindi ko alam kung mabibilib o maaawa ako sa batang pulang-buhok na yan." pinaypayan na lang ni Coach Takato ang sarili.

"Huwag niyong alalahanin si Sakuragi. Siya yung tipong player na kayang gumawa ng isang himala at hindi naniniwala sa imposible. Magtiwala tayo sa kanya. Hohoho!" tumawa na lang si Coach Anzai.

Samantala ang isang Coach mula sa scoring table ay sumususpetya na sa tatlong matanda na nakaupo sa likuran ni Akagi. Tila bang kilala niya ang mga ito ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakatagpo. Pero sigurado ang Coach na yun na hindi sila ordinaryong manonood lang ng basketball.

Nagtipon ang limang players ng Akita Team tila nag-iisip ng panibagong plano. Hawak nila ang bola.

Ganun din ang ginawa ng Tokyo Team.

"Anong gagawin natin ngayon, Maki? Sabay nang nasa loob ng court yung magkapatid na bakulaw?" tanong ni Kiyora sa kanya.

Huminga ng malalim si Maki bago sumagot.

"Panibagong pagsubok na naman 'to sa atin. Ganun parin ang posisyon niyo. Alam kong nag-iisip na ng plano si Zakusa at kung sino ang ipaparesbak niya dito. Mahirap mang aminin pero kinakabahan na ako. Ayokong isipin na hanggang dito na lang tayo." sabi ni Maki sa kanila.

Natahimik naman sila.

Maliban kay Sendoh na mahinang tumatawa saka hinampas ang balikat ni Maki.

*Pak!*

"Umayos ka Maki, parang hindi ikaw yan. Isipin mo yung ilang tagumpay ng Kainan sa ilalim ng pamumuno mo. Ang pinagkaiba lang ngayon ay naghahalo tayo. Showdown lang 'tong nangyayari ngayon sa madaling salita. Kung palakasan ng miyembro ang pag-uusapan, marami pa dyan sa bangko natin." nakangiting sabi ni Sendoh saka tinuro ang bangko ng Tokyo Team.

At doon umaalingasaw ang mabigat ng awra ng bangkong players na sina Fujima, Ikegami at ang Tatlong-others na kanina pang nangangawit at gusto nang maglaro dahil nagmumukha na silang kuting sa paningin ng manonood. Pati na rin si Fukuda na bagong dating mula sa clinic. Samantala si Jin ay nandoon parin at nagpapagaling.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon