CHAPTER 1:

2.3K 49 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 1:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI's Point Of View

Hayyyy what a wanderpol weder! Mataas ang sinag ng araw pero hindi mainit. Malakas at sariwa ang simoy ng hangin sa syudad na'to. Ngayon ay unang araw ko bilang kolehiyong estudyante sa 'TIU o Tokyo International University' sa syudad ng Tokyo, hindi ko talaga aakalain na makakapasok ako sa ganitong klaseng Unibersidad na---

"Woy Hanamichi! Tara na baka malate tayo!" Sigaw ni Takamiya sakin.

"He iz rayt! It's our pers day of class you here in college you know?" Sabat ni Ohkusu.

"Oo nga naman Hanamichi, hindi na tayo tulad nung high school natin na nagbubulakbol pa tayo. Ibang pagsubok na naman ang haharapin natin ngayon dito sa Kolehiyo." Katwiran ni Mito.

"Mag-isa ka na lang sa buhay Hanamichi, kami na lang na mga kaibigan mo ang karamay mo. Pasalamat ka--- may nag-sponsor sayo kaya ka nakapasok sa Unibersidad na'to." Sabi pa ni Noma.

Tiningnan ko ng masama ang mga ungas...

"Ano bang pinagsasabi niyo mga Ungas?! Porket namamangha lang ako andami niyo nang sinasabe! What iz da problem of it?" Tanong ko

"Seryoso kame Hanamichi!" Noma
"Matanda kana kay wag ka nang isip-bata!" Takamiya
"Atsaka wag kang mag-ingles nakakasira sa imahe ng grupo naten eh..." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Mito.

"Ansabe mo Mito?!! Arrrrggghhhh..." Mabilis na nagsitakbuhan ang mga Ungas kaya hinabol ko sila.

Hindi kayo makakatakas saken! Humanda kayo!

Hinabol ko sila ng hinabol hanggang sa may aksidente akong nabangga...

*Boogsh!*

"Aray ko naman! Bakit ka kase tumatakbo eh mahigpit na ipinagbabawal yan dito sa campus?!" Sigaw saken ng isang matandang hukluban.

Kaasar! Hindi ko pa nga nahuhuli yung tatlong ungas dumadag pa tong huklubang ito.

"Ang tapang mo para sigawan ako ah?" Inis kong tanong

"Aba! Wala kang galang ah! Propesor ako dito kaya rumespeto ka! Atsaka bakit pula yang buhok mo?" Sigaw pa nito sakin.

Nakakalalake na tong matandang to ah?

"Natural tong buhok ko at ano bang pa.ke.alam mo?---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may malakas na bumatok sa ulo ko.

*Bok!*

"A-aray..." Napaawang ako dahil parang umuusok sa sobrang init na pagkakabatok ko sa ulo ko.

Teka? Wag mong sabihin na si Gori to?

Nandito din siya?

Tiningnan ko kung sino ang bumatok sakin, nagulat at parehong namilog ang mga mata ko ng makita ko na hindi pala si Gori ang bumatok saken kundi si...

"Lolo?" Sambit ko

"Hindi ka parin nagbabago bata, mainitin parin ang ulo mo." Nakaismid na sabi ni Lolo saken.

Hala si Lolo? Dito din nag-aaral? Kung ganun... Isang eswkelahan kami ng IDOL KO?

"Ako na po ang humihingi ng pasensiya sa ginawa at inasal niya sainyo Professor Hotaka. Bago pa lang po siya dito kaya pasensiya na." Lolo

"Haysss... Ayos lang Mr. Maki, pakisabi lang sa batang yan na binabawal ang pagtakbo sa hallway."

"Opo." Pagkasagot nun ni Lolo umalis na yung matandang hukluban.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon