CHAPTER 51: Tokyo Vs. Kanagawa

666 17 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 51: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

*** TOKYO METROPOLITAN GYMNASIUM ***

Sa locker room, hindi parin mawala ang pag-aalala ng ibang player kay Hanamichi.

"Maki, mukhang hindi talaga makakapaglaro si Sakuragi ngayon, ang taas kasi ng lagnat niya kagabi." sabi ni Jin.

"Wala rin siya dito, mukhang tayo-tayo lang ang maglalaro ngayon." Fukuda

"Naiintindihan ko ang pag-aalala niyo sa kanya, Team. Pero wala tayong choice, maraming oras ang ginugol niya sa pagtatraining para sa laban na'to. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas siya, tao rin tayo, nanghihina rin tayo. Kaya, hayaan muna natin siyang makapaghinga." wika ni Fujima sa kanila.

Tumango ang ibang player sa kanya.

"Tama ka, Fujima. Kasalanan 'to ni Sendoh." bintang ulit ni Jin kay Sendoh na nagliliston ng sapatos.

"Oo nga!" sagot nung iba.

"Ohh ako na naman? Kagabi pa kayo ah!" maktol ni Sendoh saka tinuon ulit ang paningin sa pag-aayos ng liston ng sapatos niya. "Ang sama niyo sakin..."

"Team, sa mga oras na'to at rebounds. Hindi pwede na kay Sakuragi lang tayo aasa." sabi ni Maki sa kanila.

"Oo!" Sila

"GALINGAN NATIN SA LABAN NA'TO TEAM! SEMI-FINAL NA'TO! KAPAG NANALO TAYO DITO, QUARTER FINALS NA! PAGKATAPOS FINAL MATCHES SAKA TAYO ANG MAKAKAPAGLARO SA INTERNATIONAL COLLEGE GAMES!" malakas na sabi ni Mari sa kanila para mabuhayan sila.

"Oo, Mari. Tama ka." Jin

"Galingan nating lahat!" Sendoh

"OO!" Sila

***

Pagkatapos ng konbersasyon na yun ay lumabas na silang lahat sa locker room saka dumeretso sa sarili nilang pintuan papuntang gymnasium.

*** GYMNASIUM ***

Sa Press Area, nakaupo si Olivia katabi si Yuki at Zakusa. Tiningnan ni Olivia ang buong paligid ng gymansium.

"This is so intense... Ang daming tao para mapanood ang laban na'to. And hindi lang College Journalist ang nandito pati rin mga Professional Sports Press ng basketball Magazines." manghang sabi ni Olivia.

"Actually, Oli. Kalahati sa kanila ay mula pa sa Kanagawa Prefecture." Yuki

"I see." Olivia
"5 minutes more..."

Limang minuto ang natitira bago magsimula ang laro. Sabay na bumukas ang pinto ng magkabilang kupunan.

Nagsimulang maghiyawan ang buong gymnasium nang makita nila ang mga player ng parehong kuponan.

"Aba ang galing! Ang Tokyo at ang Kanagawa!"

"Siguradong magiging maganda ang laban na'to pre!"

"Oo nga, balita ko nga sa kanila magtropa daw ang magkabilang Team!"

"Talaga pare?"

"Oo, sabi nila. Magkakaibigan daw silang lahat pero maglalaban sila ngayon sa match na'to."

Habang naglalakad ang parehong team sa gitna ng court hindi parin nawawa lang hiyawan ng mga tao. Si Maki ang namumuno sa Tokyo at si Takasago naman na dating kasamahan ni Maki ang sa Kanagawa.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon