CHAPTER 90: Tokyo Vs. Akita

839 36 17
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 90: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang anunsyuhin ni Zakusa na siya ang magiging substitute Coach ng Tokyo Team ay sumang-ayon naman ang lahat sa kanya maliban kay Hanamichi.

Tiningnan naman siya ni Yuki. Siniko siya nito.

"Anong mukha yan, Sakuragi? Wala ka bang tiwala kay Zakusa?" tanong niya.

Kahit hindi sagutin ni Hanamichi ang tanong niya ay alam na niya ang sagot. Inakbayan siya ni Yuki.

"Wag kang ganyan, Sakuragi. Mukhang wala ka talagang ideya kung anong klaseng player yang si Zakusa." sabi ni Yuki.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Hanamichi.

"Alam mo... Nung 3rd year pa kami ni Zakusa. Siya dapat yung maging Coach-Player sa halip na ako. Pero tinanggi ni Zakusa ang pagiging Coach Player dahil mas gusto nyang mamuno sa isang Team kaysa maging utak ng kuponan. Sa katunayan, dati, sa tuwing nag-iisip ako ng plano ay tinatanong ko muna sa kanya hanggang sa hinayaan na nya ako na magplanong mag-isa. Kaya... Wag mong mamaliitin si Zakusa." mahabang sagot ni Yuki sa kanya.

Binalingan na lang ulit ni Hanamichi ng tingin si Zakusa.

Lumipas pa ang ilang minuto at mga ilang plano ang sinabi ni Zakusa sa kanila.

Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na ng tiwala si Hanamichi kay Zakusa.

"Wag niyong kalimutan ang mga sinabi ko." Zakusa

"Opo, Coach!" sagot nila.

"Lumabas na kayo, kailangan niyo pang magwarm-up. Wag sana kayo mailang sa mga camera at media." bilin pa nito sa Team.

"Opo!"

Pagkasagot nila ay lumabas na sila.

Si Hanamichi naman ay sumabay kay Haruko.

Tiningnan naman siya nito.

"Kinakabahan ka ba, Sakuragi?" tanong ni Haruko sa kanya.

"Medyo."

"Ayos lang kung kabahan ka. Nasa makasaysayang gymnasium kayo ngayon at ang numero unong Team ng College Matches ang makalaban niyo ngayon." sabi ulit ni Haruko.

"Oo. Kaya sa laban na'to. Seseryosohin ko na. Ipapakita ko sa buong japan ang abilidad ng Henyong si Hanamichi Sakuragi. Gagawin ko ang lahat upang maging MVP sa match na'to!" niyukom ni Hanamichi ang kamao niya na tila may bumuong lakas ng loob sa puso niya.

Ngumiti naman si Haruko sa kanya na suportado sa kanya.

"Ipagdasal kong ikaw ang maging MVP, nang sa ganun ay matupad mo ang matagal mong pangarap, Sakuragi." nakangiting sabi nito saka tiningnan ang malalaking kamay ni Hanamichi.

Hinawakan yun ni Haruko.

Namula naman si Hanamichi dahil nakipagholding-hands sa kanya si Haruko.

"Naman mga pardsss! Baka himatayin ako sa kilig neto! Si Haruko Myloves ay kusang nakipag holding hands sakin. Ang lakas ko talaga kay Lord!"

Pinigilan ni Hanamichi ang sarili nya na mapatili sa kilig.

"Namumula yung mukha mo, Sakuragi. May sakit ka ba?" Nag-alalang tanong ni Haruko saka inabot ang noo niya.

Nanigas sa kinatatayuan si Hanamichi.

Agad naman kinuha ni Hanamichi ang kamay ni Haruko at nilayo yun sa noo niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon