CHAPTER 41:

553 17 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 41:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** GYMNASIUM ***

Pagkatapos ng laro ng mga Sempai nila laban sa Shizuoka ay sinabihan sila ni Fujima na magkikita na lang daw sila sa gym.

Nang makabalik sila sa school nila ay dumiretso sila sa gymnasium para sa kunting pag-uusapan.

Tumayo si Sendoh at sumigaw...

"OKAY! FIRST YEARS! ASSEMBLE!" sigaw nito.

Nagsikunutan ang mga noo ng mga first years maliban kay Ikegami na nakasama sa laro.

"Kasali ba ako, Sendoh?" tanong ni Ikegami.

"Naku, hindi na Ikegami... Silang lima lang." nakangiting sagot ni Sendoh.

Napaekis ng braso si Ikegami at napatingin sa limang first year na nakatayo sa harapan nila na nagsihelerahan.

"Bakit, may sasabihin ka Sendoh?" tanong ni Hanamichi.

"Ha? Wala naman..."

"Eh bakit kapa sumigaw ng assemble, Preh? Kutusin kita dyan eh!" maktol ni Kiyota.

"Hahaha wag na kayong magalit, inutusan lang ako ni Maki."

"Oo nga pala, nasaan na si Maki?" tanong ulit ni Kiyota.

Ngumiti ulit si Sendoh sa kanila saka tumuro sa likuran nila. Napalingon silang lima dun.

Tila naubos ang mga dugo nila sa kanilang kinatatayuan nang makita nila ang hitsura ni Maki kung gaano kasama ang mga tingin nito sa kanila.

"M-Maki..." Kiyota

"P-Patay..." Daisho

"T-Tayo..." Watanabe

"... Ngayon." Nishizaki

"Aba, Lolo! Mas lalo atang tumanda ang hitsura mo?" nakangising tanong ni Hanamichi.

Mas lalong nainis si Maki sa sinabi nito kaya itinaas niya ang kamao niya.

"... MGA GUNGGONG!" sigaw ni Maki at...

*BOINK!*

"Araaaayyyygghh..." daing ni Hanamichi sa sakit ng pagkakasapak ni Maki sa ulo niya.

"Nishizaki..."

*BOINK!*

"Watanabe..."

*BOINK!*

"Daisho..."

*BOINK!*

"At ikaw... KIYOTA!" tiningnan ni Maki ng masama si Kiyota.

"Whaaaaaahhh Maki sorry na---"

*BOINK!*

"Araaaggghhhhh... Mahhh... Keh..." napahawak siya sa ulo niya.

Tila umuusok ang kamao ni Maki dahil sa malakas na batok na binigay niya sa lima.

"Parusa niyo yan dahil sa ginawa niyong kasalanan!" sabi nito sa kanila.

Nakayuko at nakahawak parin sa mga ulo nila ang lima na parehong nagsiiyakan.

"Lolo! Bakit kasali ako? Ee tung Matsing ang naunang uminom kagabi!" reklamo ni Hanamichi.

Naningkit ang mga mata ni Kiyota.

"ANONG AKO PINAGSASABI MO DYAN, UNGGOY? IKAW NGA TONG NAKAUBOS AGAD NG ISANG BOTE!"

"ANONG AKO? IKAW KAYA!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon