CHAPTER 94: Tokyo Vs. Akita

939 41 19
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 94: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

17 minutes at 20 seconds ang kasalukuyang oras ngayon sa first half sa pagitan ng dalawang malakas na kuponan ng College Matches, ang kuponan ng Tokyo at ng Akita.

Ang mga manonood ay nagbulungan dahil sa kasalukuyang puntos.

Lamang ng dalawang puntos ang kuponan ng Tokyo kaysa sa Akita Team.

Hindi lubos akalain ng iba na maagang nalamangan ng Tokyo Team ang kabilang kuponan.

Ang bola ay hawak ulit ng Akita Team.

Pinatalbog ni Masashi ang bola palabas ng half-court 'saka pinasa kay Matsumoto.

*pass!*

Pagkatanggap nito ay dinribol nya ang bola patungo sa area ng shooting-guard para sa pinaplanong 3-point area.

Ang Tokyo Team naman ay ginawa ang 2-1-2 zone defense.

Dalawa sa outer line, isa sa rebounding area at dalawa sa side range ng 3-Point line.

Gumawa naman ng Akita Team ang 2-1-2 Offense Threat.

Dalawa sa player nila ay sinugod ang 2 player na nasa side range ng 3-point line.

Samantala si Fukatsu, Masashi at Matsumoto ay naiwan sa labas.

Tatlong player ang nagpaiwan sa outer area samantala ang dalawa ay inatake ang loob. Hinarap nila si Fukuda at Jin.

Pansamantalang nag shift ng babantayan sina Sendoh at Fukuda.

Samantala si Hanamichi ay mag-isang nakatayo sa rebounding area.

Wala siyang mabantayan dahil naiwan sa outer area si Masashi kasama ang dalawang best shooter ng Akita Prefecture.

Ang bola na hawak ni Matsumoto ay pinasa niya kay Masashi.

Nagulantang naman si Hanamichi dahil alam niya na bukod sa malakas na Centro itong si Masashi, ay shooter din ito.

Ang numero unong Centro na kayang pumuntos ng tres ng sunod-sunod.

Napatingin si Hanamichi kay Sendoh na nakatalikod.

Gumagalaw ang mga daliri nito.

Pinahayagan siya ng senyas.

Senyas na kailangan atakihin si Masashi kapag hawak nito ang bola.

Tiningnan siya ni Sendoh sa mata. Tumango naman si Hanamichi.

Ang bolang hawak ni Matsumoto ay pinuwesto para tumira.

Tinaas ni Matsumoto ang bola para mag long jumpshot.

*pose*

*Pak!*

Napalpal ni Sendoh ang bola mula sa kanya bago pa man nito nabitawan ang bola.

Ang bolang napalpal ay tumalbog palayo sa kanila.

Pero agad yun hinabol ni Fukatsu.

Giniba naman ni Masashi ang depensa ng Tokyo Team.

Pwersa niyang pinasok ang loob ng court kung saan nakaabang si Hanamichi. Tila balewala lang kay Masashi ang mga player na humarang sa kanya.

Ang mga Referee naman ay tiningnan ng mabuti ang mga galaw sa rebounding area dahil baka may changing foul na magaganap.

Pero nahandle ni Masashi ng maayos ang kanyang kilos kaya naiisahan nya ang mga referee.

Napadiin ng ngipin si Hanamichi dahil hindi pumipito ang Referee.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon