CHAPTER 46:

527 12 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 46:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang matapos ang klase nila, gaya ng dati sa gymnasium agad sila pumunta. 5:30 ang naging dismissal nila dahil narin sa abala sa academics, sa byernes dadating ang mga Scholarship Owners para sa kanilang Scholar Students sa campus.

Habang abala ang mga players sa pag wawarm up si Mari naman ay inihanda ang standing ladder malapit sa ring area.

Napatili ang apat na ungas...

"Anong gagawin ni Ate Mari?" tanong ni Takamiya

"Di ko alam Takamiya. Ang sabi niya kasi kanina magwarm-up daw sila dahil may susukatin siya." sagot ni Mito.

"Anong susukatin?" Takamiya

"Syempre height! Bugok!" Ohkusu

"Siguradong hindi lang height ang susukatin nila..." singit ni Noma.

"Ay ano pa ba ang susukatin? Yung mga pagkalalake nila? Ay aba! mukhang si Sendoh na ang panalo---" di natuloy ang kadaldalan ni Ohkusu nang magsalita si Mari.

"Mga gunggong! Anong pinagsasabi niyo dyan?" taray na tanong ni Mari sa kanila. "Susukatin ko ang mga vertical leaps nila, kayo talaga kung anong pinagsasabi niyo. Mahiya nga kayo mga lalake rin kayo!"

Napapikit ang apat na ungas dahil sa sermon.

"bwesit ka Ohkusu kasalanan mo'to!" Noma

"Malay ko bang vertical leaps pala!" Ohkusu

"Bugok ka kase!" Takamiya

"Mas bugok ka taba! Tabachoy! Bansot!" Ohkusu

"Hey, Mari!"

Napatingin silang apat sa sumigaw nun. Nagsilaglagan ang mga panga nila nang makita nila ang isang babaeng foreigner.

"wawwwwang ganda niya!" Nahuhumaling na sabi ni Takamiya

"She iz so beyutipul!" ganun din si Ohkusu.

"may foreigner pala dito sa campus?" Noma

"Oh, Olivia buti at nakarating ka!" nakangiting sabi ni Mari at nilapitan ito. "Dala mo yung pabor ko sayo?"

"Yes, there is. You can use this all the time if you want. Hindi ko na rin naman yan ginagamit." sagot ni Olivia at binigay niya kay Mari ang Digital Video Cam.

"Seryoso? Hindi mo na ito ginagamit? Mukhang bago pa ah? Na saan ang mga tape nito?" tanong ulit ni Mari habang tinitingnan ang kabuuan ng camera.

"That's a free tape videocam. I just use a chip to store the shots. Pindutin mo lang yung gilid at makikita mo na yung chip. You can take a more video kasi malaki ang storage compatability nyan." ngumiti si Olivia sa kanya.

"Maraming salamat talaga, malaking tulong ito!" Mari

"Your welcome." Olivia

"Sandali lang ate Mari, para saan ang videocam na yan?" tanong ni Mito.

"Ahh ito? Kukuhanan ko sana ang mga talon nila, kailangan ko kasing obserbahan ang angulo nila baka may mali at magka cause ng injure sa kanila kapag bumagsak sila sa sahig." paliwanag ni Mari.

"Pwede kaming tumulong!" singit ni Takamiya

"Syempre kami rin!" Ohkusu/Noma

"Talaga? Salamat boys!" ngumiti si Mari.

"walang anuman, Ate Mari. Minsan na rin namin yan ginawa kay Hanamichi nung nagpapraktis pa lang siya ng long shot nung nasa Shohoku pa kami." Mito

"Ahh, edi kung ganun... Kayo ang taga kuha ng video. Ako ang magsusukat at si Haruko naman ang magrerecord." Mari

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon