CHAPTER 91: Tokyo Vs. Akita

864 44 27
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 91: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERON'S POV

Ang mga mata ni Hanamichi ay hindi parin inalis ang tingin sa Coach ng Akita.

Ang Senior Citizen Coach na may pulang buhok.

Nagpalakpakan ang mga audience dahil lumabas na pareho ang team.

"Okay team. Tara na at mag warm-up!" sabi sa kanila ni Coach Zakusa.

Tumango naman silang lahat at ganun din ang ginawa ng kabilang kuponan.

Ang mga International College League na nasa Yoyogi National Gymnasium ngayon ay nagmula pa sa bansang Canada, China, Korea, Pilipinas, America at iba pang powerhouses International team.

Ang mga players ng parehong kuponan ay sandaling nag-ensayo.

Samantala si Coach Zakusa naman ay sandaling tumingin sa Coach ng Akita Team.

"Matangkad at pulang-buhok ang Coach nila..." mahinang sabi niya.

Napatingin din sa gawi niya ang Coach ng Akita. Sandali siyang nakaramdam ng kaba.

"Para siyang si Sakuragi." sabi ulit ni Zakusa.

Tumunog ulit ang Time Buzzer ng gymnasium.

Ang mga mass media na hindi bababa sa sampung miyembro ay kanya-kanyang tayuan upang ipahayag sa kanilang linya ang pagsimula ng laro.

Huminto sa pagwarm-up ang mga players at pumunta na sa kanilang perspective coaching box.

Nagtipon ang lahat ng Tokyo Player sa harapan ni Zakusa.

"Magandang Umaga sa inyong lahat." paunang bati ni Coach Zakusa sa kanila.

"Magandang umaga rin Coach!" sagot nila.

"Ngayon. Gusto ko lang na malaman niyo kung gaano kami ni Yuki kasaya na nakaabot kayo sa Final Match ng College Matches. Nakalaban at tinalo niyo ang mga malakas na kuponan lalong-lalo na ang kuponan ng Toyotsu. Kaya sa pagkakataong ito, ay huwag niyong hayaan na mapunta ulit sa Rank 2 ang kuponan na pinaghirapan niyong pangaatin. Kung ang panahon namin ni Yuki ang nagpatuntong sa Rank 2... Pwes kayo naman. Kayo naman ang maghatid nito sa Rank 1. Tayo ang magiging Number 1 College Team sa taon na'to!... Isumpa niyo yan!" pangaral sa kanila ni Coach Zakusa.

Ngumiti ang lahat ng players ng Tokyo Team dahil sa sinabi ni Coach Zakusa.

"Opo, Coach. Sinusumpa namin yan!" masiglang sabi ni Kiyota.

"Wag kang mag-alala, Zakusa! Para sa Henyong ito hindi na kailangan ang sumumpa kase yun din naman ang gagawin ko!" nakangising sabi ni Hanamichi sa kaniya matching with both close fist.

"Kung ganun, ayusin niyo na ang sarili niyo. Pipili ako ng magiging starting player base sa kung anong player ang magiging starting line-up ng kabilang kuponan." anunsyo sa kanila ni Coach Zakusa.

"Walang problema, Zakusa." sabi ni Maki sa kanya.

"Iclassify niyo na ang mga sarili niyo base sa mga position niyo, Forwards, Guards at Center." Coach Zakusa

Sinunod naman nila ang sinabi ng Coach.

Magkatabi sa kinatatayuan sina Maki, Fujima, Sendoh at Watanabe bilang Point-guards. Jin at Nishizaki naman bilang Shooting-guards. Hanagata, Ikegami at Daisho naman bilang mga Centro, at Kiyota, Fukuda at Hanamichi naman bilang mga forwards.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon