CHAPTER 69: Tokyo Vs. Toyotsu

570 17 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 69: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa malakas na pagbasak ni Hanamichi sa sahig ay nagalit siya tuloy kay Morishige.

Si Hanamichi Sakuragi ay kasalukuyang may tangkad na 205 centimeters at 95 kilos. Samantala si Hiroshi Morishige ay kasalukuyan ring may tangkad na 215 centimeters, 120 kilos. Kaya sa datos na yan ay masasabi nating mas malakas si Morishige kaysa kay Hanamichi.

Patuloy parin sa pag-aawat ang dalawa kay Hanamichi.

"Kumalma ka na, Hanamichi." awat pa rin ni Sendoh sa kanya.

"Grrrrrrrrr..." siya

"Ano ka ba? Gusto mo bang ma-Technichal Foul agad ha?" suway ni Hanagata sa kanya.

Bigla namang kumalma si Hanamichi sa sinabi niya, pero nakatingin parin ito ng masama kay Morishige.

Pumito naman ang Referee.

(Pumito...)

"FREE THROW! BLACK NO. 10! 2 SHOTS!" Sigaw ng Referee habang nakaturo kay Hanamichi.

"Ayos!" nakangiting sabi ni Sendoh.

"Magaling, tayo ang unang makakapuntos nito." Hanagata

"Wag kayong magpakasiguro dyan mga prehh, chamba-chamba lang pasok ng Unggoy na yan NYAHAHAH---"

*Boink!*

"Akin na ang bola Ref, baka matuluyan ko pa ang Matsing na'to." masungit na sabi ni Hanamichi saka lumapit sa Referee.

Napayukom naman ng kamao sa noo si Kiyota dahil sa sobrang inis kay Hanamichi.

"Grrrrrr... Nakadalawang headbutt na ang Unggoy na'to ah!" inis niyang sabi.

Binigay ng Referee ang bola kay Hanamichi. Pagkakuha nito ay naglakad siya papunta sa Free Throw Lane habang tinatalbog ang bola. Pagkarating ni Hanamichi ay sandali siyang huminto para irelax ang sarili para sa gagawing 2 shots.

Sa ilalim ng ring ay nakaabang ang ibang players para kung sakaling pumalya si Hanamichi ay makuha nila ang Rebound. Tinalbog ulit ni Hanamichi ang bola saka hinawakan ito ng dalawang kamay niya. Ang estilo niya sa pag shot ng free throw ay ganun parin tulad ng dati, isoshot niya na mula sa ibabang bahagi niya.

Nagsibulungan naman ang ibang tao sa gymnasium pati na rin ang mga players ng Toyotsu.

"Anong klaseng shot pose yan?"

"Ewan ko."

"Para siyang timang sa pose na yan."

At iba pang bulongan. Rinig naman ni Hanamichi yung bulungan nila.

"Bakit ganyan siya mag shot?" tanong ni tanong ni Morishige.

Sinagot naman ni Rango yung tanong niya. "Ganyan talaga magshot ng Free Throw ang Pulang Unggoy na yan. Mukhang neknek diba?"

Bigla namang nairita si Hanamichi sa sinagot ni Rango.

"Tumahimik ka dyan! Atlis hindi tulad mo na bugok!"

"Sinong bugok?"

"Ikaw! Bugok! Ampanget mo pa!"

"Mas panget ka! Unggoy na may pulang buhok!"

"Okay nang panget basta di tulad ng mukha mong impakto! Unggoy na may gintong buhok!"

"Ako? Impakto? Mukha ka ngang talampakan---"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon