CHAPTER 55: Tokyo Vs. Kanagawa

496 20 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 55: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang ilang minuto, ang score ng magkabilang kuponan ay 26 sa Kanagawa at 33 naman sa Tokyo. Sa loob ng Sampung minuto sa first half, tila hindi parin nagpapatinag ang kuponan ng Kanagawa. Patuloy parin nilang tinatapatan ang laro ng Tokyo.

"Players, kahit kaibigan at dati nyong kasamahan ang kalaban natin ngayon, isipin niyo parin na sila ang opponent team natin. Kaya gawin niyo ang lahat ng paraan para makalamang kayo sa puntos nila." sabi ni Coach Mifune sa kanila.

Kumuha ng Time-out si Coach Mifune dahil lamang na ng 7 points ang team ng Tokyo, kaya para sa kanya hindi na niya hahayaang tumaas pa ito.

"Yasuda, gawin mo ang lahat bilang Point-guard ng Team na'to, palabasib mo ang galing ng nga kasamahan mo." Coach Mifune

Natuwid ng tayo si Yasuda.

"O-Opo Coach!" sagot ni Yasuda.

"Koshino, Uekusa, Muto at Takasago. Umaasa rin ako sa inyo. Dapat niyo nang seryosohin ang laban na ito lalo na't kabilang na ang Team natin sa bagong Top 4 Great College Team ng Japan." Coach Mifune

"OPO COACH!" sagot nila.

Biglang pumito ang Referee hudyat na tapos na ang time-out nila.

Samantala sa Team's bench ng Tokyo...

*PAKKKK!*

Parehong napahawak sa pwetan sina Kiyota at Hanamichi dahil sa malakas na pagsampal ni Sendoh doon.

"Ano ba talagang problema mo Sendoh! Kanina ka pang nanghahampas ng pwet ah?!" nanggigigil na tanong ni Kiyota.

"Aminin mo nga, type mo manghawak ng pwet noh? Nagdududa na ako sayo..." masungit na tanong ni Hanamichi.

Pero tumawa lang si Sendoh sa hitsura nilang dalawa.

"Hahahaha mga baliw, ganyan talaga ako lalo na't umaasa ako. Umaasa ako sa mga nakatagong galing niyo na kanina niyo pa hindi pinapakita." nakangiting sagot ni Sendoh.

"Tama si Sendoh, Sakuragi. Wag niyong maliitin ang kabilang kuponan. Ilabas niyo rin ang kakayahan niyo kung gusto niyo tapusin agad ang larong ito." wika ni Maki sa kanila.

"Kumalma lang kayo, wag kayong magpadala sa sitwasyon natin ngayon." singit ni Fujima sa usapan nila. "Pasensya na mga kasama, malaki lang kasi ang inaasahan nila sa inyo."

"Don't worry, Coach. Gagawin ko ang lahat, kahit natatapatan ako ni Yasuda hindi ako magpapatalo." sagot ni Watanabe saka uminom ng hydration drink.

Nakangiti namang lumapit si Sendoh kay Watanabe saka hinampas ang pwet nito.

*PAKKK!*

"Ganyan nga Yuu! Bilib ako sa lakas ng loob mo hahah!" tawang sabi ni Sendoh saka nilapitan si Fukuda.

*PAKKK!*

"Masakit Sendoh, may galit ka ba sakin?" poker face na tanong ni Fukuda.

"Ha? Wala ahh, inaasahan rin kase kita." nakangiting sagot ni Sendoh saka nilapitan si Hanagata.

"Eyooww Hanaga---" Sendoh

"Subukan mo lang hampasin ang pwet ko, Sendoh..." tila may halong bantang tono ni Hanagata sa kanya.

Napahands-up naman si Sendoh. "Okay, okay..."

*PAK!*

Biglang hinampas ni Fujima ang pwet ni Hanagata.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon