CHAPTER 37:

766 24 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 37:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

( KINABUKASAN...)

*** Tokyo International University ***

"Your assignment will be check tomorrow, I'm expecting all of you can submit. Do you understand students?"

"Yes, Sir!"

"okay, so dismiss."

Pagkatapos sabihin nung English Teacher nina Hanamichi ay lumabas na ito. Lumapit naman si Mito sa kanya.

"Tayo na sa labas, Hanamichi. Pwede mo namang kopyahin yan sa dorm natin mamaya eh." sabi ni Mito sa kanya.

"Pssh... Hindi ko'to pwedeng ipagpaliban, Yohei. Lalo na't may assignment pang sasagutan..." sagot nito habang kinokopya nasa notebook ni Mito.

Napangiti si Mito at napasandal sa desk ni Hanamichi.

"Ngayon lang kita nakikitang ganito, Hanamichi. May sakit ka ba? Ang sipag mong mag-aral ngayon kaysa nung nasa High School pa tayo." nakangiting tanong ulit ni Mito.

Napatigil si Hanamichi sa kakasulat dahil may naalala siya sa mga sinabi ni Mito...

***
("Kapag nakapasok ka na ng kolehiyo, Sakuragi. Gusto kong sipagin mo ang pag-aaral at wag kang puro kabalastugan naiintindihan mo?" sermon ni Mitsui kay Hanamichi.

"Grabe ka naman sakin, Mitchi! Mas bungangero ka pa sa Nanay ko---"

"Talagang sumasagot ka pa!" sigaw ni Mitsui sa kanya at binatukan ng malakas.

*Blag!*

"Aray naman! Mitchi naman eh!..."

"Seryoso ako, Sakuragi... Nalaman ko kasing mag-isa ka na lang sa buhay at sina Mito na lang ang tanging kasama mo. Kaya kita papaaralin ng kolehiyo dahil gusto kong may maabot ka sa buhay at matupad mo ang mga pangarap mo. Wag kang gumaya sakin na minsan nang naligaw ang landas at medyo huli na nung nakabalik ako sa tamang landas na tatahakin ko. Kaya... Sakuragi, ito lang ang tanging maihahandog ko. Sa malayong lugar kita papaaralin at sa eskwelahang papasukan mo ay may mga taong makakatulong sa pag-abot ng mga pangarap mo---NAKIKINIG KA BA SAKIN, SAKURAGI!" biglang sigaw ni Mitsui dahil nakatalikod si Hanamichi sa kanya habang nililingot pa ang tenga nito. "SAKURAGI!!"

"Huh? Ano yun?"

*BLAAG!*

"GUNGGONG KA TALAGA!!"

"Araaaaghhhhh~..."

"KANINA PA AKO NAGSASALITA HINDI KA PALA NAKIKINIG!"

"Wala kase akong Naiintindihan sa mga sinasabi mo eh..."

"BOBO KA KASE!... ANG SABI KO MAG-ARAL KA NG MABUTI AT AYOKONG MAKITA NA MAY BAGSAK KA SA MGA GRADES MO KUNDI MALILINTIKAN KA SAKIN! NAIINTINDIHAN MO?!" Bulyaw ni Mitsui sa kanya.

"OO, MITCHI!" sagot agad ni Hanamichi. )
***

"Kailangan, Yohei... Baka magwawaldati si Mitchi pag bumagsak ako lalo na't papalapit na ang examination. Baka atakihin pa yun sa puso." Hanamichi

Napatawa si Mito.

"Hahahaha pero kahit ganun si Mitsui, mabait naman siya." Mito

"Oo, mabait talaga yun. Kaya nga bugbog sarado sayo." Hanamichi

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon