CHAPTER 48:

606 18 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 48

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** BASKETBALL CLUB OFFICE ***

"Mahalaga na mapanood niyo ang video na yan, Fujima. Ang magiging laro niyo sa paparating na Nationals ay hindi magiging madali. We need to be aware and number one talaga ang huwag maging kampante..." sabi ni Yuki kay Fujima na nakaupo sa harapan niya.

"Naiintindihan ko, Yuki. Kailangan naming paghandaan ang Toyotsu at Akita." sagot ni Fujima.

"As a Sports Adviser para sa club na'to... Ipagpapatuloy parin namin ni Zakusa ang pangunguha ng impormasyon sa makakalaban niyo." Dagdag pa ni Yuki.

"Doing this with you guys is not a big deal to us. Gusto lang talaga naming tumulong sainyo. Remember, hindi madaling iwan ang basketball lalo na't huling taon na namin 'to dito sa University. Pag gumraduate na kami ni Yuki, mas lalo nang magiging busy si Mari sa pangunguha ng impormasyon." Sabi ni Zakusa sa kanila.

"Maraming Salamat, Zakusa." Fujima

"Oo nga pala, ang unang makakalaban niyo ay ang Kanagawa... Home Prefecture niyo yun diba?" Nakangiti na tanong ni Yuki sa kanya.

"Oo, kaming lahat... Maliban sa tatlong trainee players ng Nissin." sagot ni Fujima

"Hindi kaya mahihirapan kayo nito? Mga dati niyong kasamahan ang makakalaban niyo?" Zakusa

"Ayos lang samin kung dati naming mga kasamahan at kaibigan ang makakalaban namin. Dahil ang laro ay laro... Hindi personalan." Fujima

"Pero, College na'to Fujima, at huling taon niyo na'to ni Maki at Hanagata--- ayy oo nga pala! Napag-isipan mo na ba kung sino ang maging susunod na Captain ng Basketball Club?" Yuki

Tumingin ng direkta si Fujima sa mga mata niya... "Si Maki na ang bahala magdesisyon niyan at alam ko na pipiliin niya ang second year na matalino at malawak ang pag-iisip. Pero... Masyado pang maaga para pag-isipan yan, Yuki."

***

(KINABUKASAN...)

Dalawang-araw ang lumipas nang matapos ang usapan na yun at Height and Vertical Leap Activity ng mga player sa gymnasium.

Nakatakda ngayon na bumisita ang mga Scholarship Owners sa University para tingnan ang Academic performance ng mga Scholar Students nila.

Samantala si Hanamichi at ang apat na ungas ay magkasama.

"Oh ano, Hanamichi? Excited ka na bang makita siya?" nakangising tanong ni Mito sa kanya.

"Ayoko muna siyang makita, Yohei." masungit na sagot nito.

"Huh? Hindi mo ba gusto na makita yung Scholarship Owner mo?" Mito

"Hindi muna, baka masermonan pa ako nun." Hanamichi

"Tangek talaga tong Gunggong na'to. Ngayon ka  mahihiya eh hindi naman masyadong masama ang Academic Remarks mo..." singit ni Ohkusu

"Naiintindihan mo yung grades na nakasulat dito, Ohkusu? Ako kasi hindi eh... Paano naging grade tong B+, B at B-? Di ko talaga maintindihan..." maktol ni Takamiya habang nakatingin sa printed na report card.

"Isa ka pang Bobo, Taba. Bakit ako ang tinatanong mo?" Ohkusu

"Isa ka rin palang bobo eh, hindi mo rin naman pala alam..." Takamiya

Natigil ang bangayan ng mga ungas nang may dumating na SSG Officer.

"1st year scholars! Pumunta kayo sa gymnasuim, naghihintay na sa inyo ang mga Scholarship Owners niyo." sabi nito sa kanila.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon