Chapter 26

726 30 28
                                    

DAVE



ISINARA ko ang maleta ko at nagtungo sa sala. Ngayon kasi ang alis namin papuntang Batangas, do'n sa beach resort nila Ken.


"Tara na?" Pag-aya sa 'kin ni Ken nang makalabas siya mula sa kaniyang kwarto.


"Baka may nakalimutan ka?" Tanong ko.


"Meron, saglit kukuhanin ko lang," saad nito, pero nalito ako dahil lumapit siya sa 'kin.


Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.


"Nakalimutan ko yung morning kiss ko," tumaas ang gilid ng labi nito at bahagyang tumawa.


"Sira ka talaga!" Mahina kong sinuntok ang braso niya dahil sa hiya. Dahil nga ba sa hiya? O dahil sa kilig? "T-tara na nga!"


Nauna na akong lumabas ng apartment dahil gusto ko itago yung mukha ko. Alam ko sa sarili ko kung gaano 'to kapula ngayon.


Napatigil ako nang biglang hinawakan ni Ken ang maleta ko, "Ako na magdadala."


"Ako na, medyo mabigat 'tong maleta ko," saad ko pero mukhang 'di 'to papayag na hindi siya ang magdadala ng maleta ko.


"I can manage," walang pagdadalawang-isip na kinuha niya ang maleta na hila-hila ko at nagpatuloy sa paglalakad.


"Ken, kape muna tayo?" Pag-aya ko sa kaniya. Alas-singko pa lang naman, alas-sais kasi ang meeting time namin sa university.


"Sure."


Pumasok kami sa loob ng cafè, walang masyadong tao siguro kasi umaga pa lang.


Ako na ang um-oder, nilibre ko na rin si Ken dahil siya ang nagbibitbit ng maleta ko.


"Dalawang iced americano po," saad ko sa kahera.


"Sir, pwedeng magtanong?" Nagtatanong ka na nga e, hmp. char!


"Ano po 'yon?"


"Pwede bang hingin yung number ng kasama mo?" Hindi ako makapaniwala sa tanong niya, literal na napatitig ako sa kaniya.


"Ahhh... hindi ka type niyan," pinilit kong ngumiti pero ang totoo gusto ko siyang pektusan ngayon, "Tska may nililigawan na 'yan."


"Ay, gano'n ba sayang naman. Pwedeng mahingi na lang yung IG niya?" Napakamot ako sa leeg ko, pinipigilan ko lang yung kamay ko na pektusan 'tong si ate.


Aba'y umagang-umaga panghaharot ang inaatupag. Umagang kay landi 'tong si ate.


Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon