Chapter 19

930 37 24
                                    

DAVE


NAALALA ko mga salitang binitiwan ni Ken kagabi. He said he'll protect me. Bumangon ako sa kama ko at naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, napansin kong may sariwang pulang marka na naman ako sa leeg ko. Pucha, ano ba 'to? Wala naman akong nararamdamang masama. Bukod sa medyo masakit ang balakang ko, ayos naman ang pakiramdam ko.


Kumuha ako ng yelo sa freezer at minasahe ang noo ko, hindi pa rin kasi humuhupa yung bukol ko sa noo medyo may bump at masakit pa rin siya. Nakita ko rin yung isang gallon ng ice cream na bigay sa 'kin ni Ken kagabi. Napangiti ako nang maalala ko yung pagyakap niya sa 'kin. Kinuha ko 'yon at sinimulang lantakan, ice cream for breakfast.


Alam kong mali 'tong nararamdaman ko. Ano nalang sasabihin sa 'kin ni Kia kapag nalaman niyang pinagnanasaan ko jowa niya? Bago tayo kumabit o sumampid sa isang relasyon dapat alamin muna natin yung mararamdaman nung totoong ka-relasyon ng taong gusto natin. Isipin niyo kung ako si Kia, anong mararamdaman ko kapag may nagkakagusto tapos humaharot-harot kay Ken? Masakit at nakakairita 'di ba?


Kaya kailangan dumistansya muna ako kay Ken. Mga ten meters, char. Hindi dapat ako nagpapadala sa nararamdaman ko sa kaniya. Baka mahulog ako ng walang sumasalo sa 'kin ang ending ako masasaktan. At ayoko rin makasakit ng ibang tao.


"Earth to Dave." Napapitlag ako dahil sa nagsalita.


Tinignan ko siya at halos malaglag ang panga ko. Kahit gulo-gulo ang buhok nito ay napakagwapo pa rin.


"Ah! K-kumusta tulog mo?" Gusto kong saktan sarili ko ngayon.


Dahil sa wala akong masabi 'yon ang natanong ko. Gusto ko ngang dumistansya e! Tapos kukumustahin ko tulog niya? Ang bobo ko ro'n, bwisit.


"Great," he said happily. Halatang maganda tulog nito ah? Napansin ko rin na he's glowing, I know he's always glowing pero iba ang glow ni Ken these past few days. Parang lagging nadidiligan, char! Iba talaga pag may jowa 'no?


"You?" He asked me back.


"Ahhh... ayos lang," kaswal kong sagot.


"How's the ice cream?" Saad nito habang nagtitimpla ng kape niya.


Tinignan ko yung ice cream, halos makalahati ko na pala 'to, "Delish. Want mo?"


"Sure," he opened his mouth. Hindi ko alam pero tumugon ako sa pagbuka ng bibig niya, parang may sariling utak yung kamay ko at sinubuan siya ng ice cream.


"Woah, I didn't know Buko Pandan is this good."


"Wait ngayon ka lang nakatikim ng Buko Pandan?"


"Yup," he answered.


"Iba talaga kapag rich kid," I joked.


Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now