Chapter 6

1.4K 60 6
                                    


DAVE


TAGAKTAK ang pawis ko dahil sa ilang oras na magtr-training. Naka-upo ako ngayon sa bleachers at hingal na hingal.


"Thirty-minute lunch break!" Sigaw ni coach.


Finally! Kanina ko pa gustong kumain. Kumakalam na sikmura ko kanina pa at hindi ako makatalon nang maayos dahil sa gutom.


"Sis!" Narinig kong sigaw ni Daisy sa kabilang side ng gymnasium.


Tumakbo ako papalapit sa kaniya habang bitbit-bitbit ko ang packed lunch ko.


"Sis! Kain na tayo. Tara sa labas." Inaya ko si Daisy sa labas ng gymnasium dahil mas mahangin ro'n.


Umupo kami sa madamong bahagi at nagsimulang kumain.


"Ang higpit lalo ng coach niyo ah, halatang binabatak kayo sa training." Saad ni Daisy. Totoo, napansin ko ngang mas mahigpit ngayon si coach.


"Yup, nabalitaan niya kasi na may mga malalakas na freshman sa team ng kalaban namin."


"Galingan mo, though ikaw ang pinakamagaling na middle blocker na nakita ko. Kahit medyo maliit ka, bawi ka naman sa taas mong tumalon." Pagpupuri sa'kin ni Daisy.


"Awww... wag mo ko purihin baka manlibre ako niyan." Biro ko. "Tawagan natin si Lia."


Kinuha ko ang cellphone ko para makipag-video call kay Lia. Matagal-tagal na nagring lang at walang sumasagot at kalaunan ay ibinaba ko na ang tawag.


"She's not answering, baka busy siguro sa dry run ng exhibit nila." Sabi ko. Nakita ko kanina yung mga litrato na kuha sa'kin ni Lia kanina, akala ko nga hindi ako e. Sabi niya hindi pa raw tapos i-edit 'yon pero kung ako tatanungin napakaganda na ng mga shots.


"Sis, ano pala pangalan ng kasama mo sa apartment? Gwapo ah, baka 'yon na maging next jowa mo." Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko dahil sa sinabi ni Daisy.


"Gaga!" Singhal ko sa kaniya. "Mukha namang hindi ako type no'n. Tska ekis tayo sa mga gano'ng kagwapo, masyadong habulin ang mga gano'ng mga mukha."


"Uyyy, joke lang bakit parang ang defensive mo?" Inirapan ko si Daisy dahil sa sinabi niya.


"Che! Basta hindi pwede, buong katauhan ni Ken ay isang malaking red flag." Aniko.


"Dan at my three o'clock." Saad ni Daisy. Tinignan ko ang sinabi niyang direksyon sa'kin at nakita ko nga si Dan na palapit dito.


"Tara, pasok na tayo sa loob." Inaya ko si Daisy at kahit hindi pa kami tapos kumain ay iniligpit na namin ang mga gamit namin.


"Wait! Dave!" Tawag sa'kin ni Dan.


Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now