Chapter 4

1.7K 56 2
                                    


DAVE


TATLONG ARAW na wala akong balita kay Dan ang sabi ni Diane ay umuuwi naman daw 'to sa kanila, pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi ako nito kinakausap.


"Nako, sis, may iba na yan." Saad ni Lia sabay subo sa ice cream niya.


"Stressed na nga 'tong si Dave, inii-stress mo pa lalo!" Daisy cupped my face. "Tignan mo nga itsura mo, mamsh, mukhang kulang ka sa tulog."


"Oo nga, sis, hindi pa nagsisimula ang araw stressed ka na agad."


"Hindi ko kasi alam ang gagawin, hindi niya sinasagot mga text at tawag ko."


Sa dalawang taon naming magkasama ni Dan, ngayon niya lang ginawa sa'kin 'to. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Argh! Feeling ko puputok na utak ko sa kakaisip. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang ginagawa sa'kin ni Dan. Bahagya kong minasahe ang ulo ko habang nakatitig sa aking cellphone.


"Since malapit naman sa building ko ang building nila Dan titignan ko baka makita ko siya." Saad ni Lia. "May klase pa ako, wag mo na munang isipin 'yang jowa mo."


"Contact me agad ha." Saad ko kay Lia bago siya umalis.


Sabay kaming naglalakad ni Daisy papunta sa building, iisa lang kasi ang building ng Architecture at Interior Design.


"Mamsh, kung totoo na niloloko ka lang niyan ni Dan, please wag kang mag-hesitate, hiwalayan mo na agad. Wag mong i-tolerate ang pag-chi-cheat, kung mahal ka talaga niya, hindi niya magagawa 'yon sa'yo." Halatang sincere ang payo niya sa'kin. Pero ang tanong, kaya ko bang hiwalayan si Dan?.


"Based on experience, kapag nag-cheat siya sa'yo once, malaki ang possibility na mag-chi-cheat ulit siya sa'yo ulit. A cheater is always a cheater, period." Dagdag niya. Medyo nahimasmasan din ako sa sinabi ni Daisy dahil may point siya.


"Pero kung pwede pang i-save ang relationship namin, why not save it?" Saad ko.


"Kung mai-save niyo 'man 'yan well I guess magiging toxic na 'yang relationship niyo kasi nabasag niya na ang trust mo." May point naman si Daisy.


"Sige, Daisy, thank you for the advice, papasok na ako sa klase ko."


NATAPOS ang buong magdamag nang hindi ko namamalayan ang oras. Patuloy ko pa ring iniisip ang sinabi ni Daisy. Kakayanin ko ba? Ugh! Ang hirap ng may jowa.


"Dave, ayos ka lang?" Bumalik ako sa realidad nang biglang may nagsalita sa likod ko.


Tinignan ko kung sino 'to, it's Ken. Wearing his blinding beamy smile, kala ko sa mga commercials ko lang nakikita ang mga perfect white teeth na mga ganto. Dagdag mo pa ang porma niya ngayon, lakas maka-ambassador ng isang brand, kahit basahan ata ipasuot mo rito ang gwapo pa rin.

Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now