Chapter 23

759 32 18
                                    

DAVE


NAKAHIGA kami ngayon ni Ken sa nakalatag na kumot. Nakaunan ang ulo ko sa braso ni Ken at nilalaro-laro niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Nakatingin lang kami sa langit, sobrang ganda ng langit ngayon, walang kaulap-ulap. Mas maraming bituin ang nakikita namin ngayon dahil nga nasa Tagaytay kami.


"I like your bangs," bigla nitong saad, "Mas cute ka sa gano'ng hairstyle."


"Nag bangs lang ako no'n kasi nagkabukol ako, nauntog kasi ako sa poste habang naglalakad."


Tumagilid siya para humarap sa 'kin at tinignan ang noo ko, "Wala na ba?" Nakita ko siyang tumitig sa noo ko.


I chuckled, "Wala na hahahaha."


"Do you like me?" Out of nowhere niyang tanong.


Napakagat ako sa labi ko para itago yung kilig. Humarap ako sa kaniya at tumango, "Gustong-gusto."


I saw his white teeth, about langit ang ngiti ng lalaking nasa harap ko ngayon, "I'm so glad you said that."


Matagal naming tinitigan ang isa't-isa, His eyes were deep and calming. I want to know what he is thinking right now. I traced his pointy nose using my index finger and smiled at him. Sana hindi na gumalaw ang oras, sana ganito na lang kami pa lagi, ayoko na tumayo pa at dumating ang bukas. I wish we could stay like this forever.


I smiled at him, and he kissed my forehead, "Thank you for allowing me to court you, it means so much to me, Dave."


"Ano ka ba, para ka namang others," pagbibiro ko, "Thank you for always supporting and always being there for me,"


Mahigpit niya akong niyakap at bumalot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. I can hear his heartbeat, para 'yong musika sa pandinig ko. His arms made me feel so safe and secured. Para akong nasa alapaap, 'di ako makapaniwala na yakap-yakap ko ang taong gusto ko. These feelings were different, hindi ko 'to naramdaman kay Dan, I can't explain these feelings, sobrang bago nito sa 'kin, just like what I said, it's different—in a good way.




NAGISING ako at namataan ko ang sarili ko sa kwarto ko. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. I thought it was a dream pero hindi! Hindi ko mapigilan ang kilig at napasigaw sa unan. It wasn't a dream! He said he likes me!


Lumabas ako ng kwarto ko at may nakita akong note na nakadikit ref. Pumunta ako ro'n at binasa 'yon


I cooked you breakfast. Nagpunta lang ako sa hospital namin, pinapatawag ako ni Dad :) Eat well, hon.


Napangiti ako nang basahin yung note. So, hon ang gusto niyang endearment, ha! Tumingin ako sa lamesa at tinignan ang niluto niya para sa 'kin. Simple lang 'yon, eggs, bacon, at friend rice, pero napangiti pa rin ako sa gesture niyang 'yon. Now I'm free to give meaning to this, wala nang kahit sinuman ang makakapigil sa 'kin na bigyan lahat ng kulay ang ginagawa niya para sa'kin.

Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now