Chapter 5

1.6K 56 4
                                    

DAVE


PINAG-ISIPAN kong mabuti ang mga sasabihin ko ngayong araw kay Dan, inaya niya akong kumain sa labas pero ang sabi ko gusto ko makipag-usap sa kanya sa park na malapit dito.


Naka-upo ako ngayon sa isang bench na medyo tago, huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. I promised to Ken, and to myself na hindi na ako iiyak.


"Hey." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. At may gana pa talaga siyang ngumiti.


Gusto ko siyang saktan ngayon, ang kapal ng mukha niyang ngumiti sa harap ko na akala mo walang ginagawang kababalaghan sa likod ko.


Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "I missed you, I'm sorry that I didn't contacted you, busy lang talaga ako."


Hinayaan ko lang siyang yakapin ako pero hindi ko siya niyakap pabalik. "I'm sorry, marami lang talaga kaming ginagawa."


"Stop, I know you're lying, Dan." Agad nagbago ang timpla ng mukha niya. Tinulak ko rin siya papalayo sa 'kin.


"W-what? Hindi ako nagsisinuwaling." Humalukipkip ako at inirapan siya.


"Gusto kitang saktan ngayon pero pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magiging bayolente." I sighed deeply. "I saw you kissing another man, kitang-kita ng dalawang mata ko ang paglalaplapan niyo."


"N-nagkakamali k-ka." Still lying? Iba rin pala kakapalan ng mukha nito.


Kinuha ko ang phone ko at pinakita ko sa kanya ang kanyang alter account. "I also saw your alter account sa twitter."


"I-I can explain." His voice cracked. "P-please, pakinggan mo ko." Tigas din ng apog nito, 'no? Nag-eexpect pa siya napapakinggan ko ang mga walang kwenta niyang mga rason.


"No." May diing ko sabi. Unti-unting namumuo ang mga butil ng luha sa mga mata ko ngunit hindi dahil sa sakit kung hindi sa labis na galit. "Maghiwalay na tayo. Nandidiri ako sa'yo."


Tatayo na sana ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Please, D-Dave. A-ayokong maghiwalay tayo, please." Halos humagulgol siya sa harapan ko. You deserve this.


"Itigil na natin 'tong kahibangan na 'to, Dan. Maglolokan lang tayo kung papatawarin pa kita." Pinilit kong inalis ang mga kamay niya sa beywang ko. "Sorry, Dan. We're over."


Naglakad na ako papalayo. Nanlalabo ang paningin ko ngayon dahil sa mga namumuong luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak.


Umuwi ako sa apartment at naabutan ko si Ken na naglilinis ng sala. Agad ko siyang niyakap at binuhos sa kanya ang kanina pang namumuong emosyon sa dibdib ko.


"I broke up with him." Saad ko habang humihikbi.


Sexsomnia (PARASOMNIA SERIES #1)Where stories live. Discover now