Chapter 78

175 16 56
                                    

"Rein.."

"Gusto ko na syang makasama ulit.." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng sariling mga luha. "Gusto ko na silang makitang masaya ulit.. Yung walang gulo. Gaya nung mga araw na wala ako."

"Rein, hindi ko magagawa yang gusto mo."

"P-please.. please.. Huling hiling na."

"Rein---"

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Huminto ako nang isang metro na lamang ang layo namin sa isa't isa at lumuhod sa harap nya.

"Kahit ito na lang yung parusa.. Kahit ito na lang yung kapalit sa katawang ibinigay nyo kay Justine. H-hayaan nyo na silang maging masaya at tahimik ulit, Mother Green.."

"Hindi ito ang gusto nya." Agad akong nag angat ng paningin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang sa isang kumpas nya ay tumayo ako ng hindi kinokontrol ang sarili. "Wala kang kasalanan sa kanya, Rein. Kaya hindi para sayo ang galit nya."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Alam kong wala akong kasalanan sa kanya. At kaya nga ako lumalaban ay dahil alam ko ang katotohanang iyon. Pero ako na ngayon ang sumusuko dahil ayokong pati ibang tao ay nadadamay na para lang pahirapan ako.

"Pero ako ang pakay nya.."

"Malaking kasalanan ang nagawa ng mga Steel sa kanila."

Kung ganon... Bakit ako?

Bakit ako lang?

"Ang nais nya ay makita kang labis na nahihirapan dahil alam nyang mas matinding paghihirap ang daranasin ng pamilya mo... Lalo na ako."

Kumunot lamang ang noo ko at nakalimutan nang ibuka ang bibig para magtanong. Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Oras na para malaman mo." Inilahad nya ang kanyang isang kamay sa harap ko. Nagtataka akong tumingin doon dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "May gusto 'kong ipakita sayo."

Nanginginig ang mga kamay kong ipinatong sa palad nya. Kasabay noon ay ang unti unting paglalaho ng buong katawan ko. Nagsimula sa hawak nyang kamay ko. Para itong isang kaluluwa kung paano ko nakikita ang iba noon.

Nagiging kaluluwa ako?

Bakit?

At maya maya pa'y unti unti na ring nagbabago ang paligid ko. Nagsimula na 'kong magpanic nang mawala si Mother Green sa tabi ko.

Nang ilibot ko ang paningin sa buong lugar ay nakita kong nasa loob pa rin ako ng palasyo.. Ibang palasyo.

"Bugiardu!" Nagulat ako sa biglang sigaw ng isang babaeng papasok sa lugar kung nasaan man ako ngayon. Kaya naman dali dali akong nagtago sa isang malaking poste sa gilid at sinilip sila.

[Translation: Liar!]

Hindi ko alam kung nasaan ako. Bakit ako napunta dito? Nasan si Mother Green?!

"Nagsasabi ako ng totoo, Mamma.." Umiiyak nang sabi ng isang babaeng nakapulang gown na sa tingin ko ay anak nya. Mas bata ito ng konti kung ikukumpara sa akin.

"Mula ngayon, Regina.." Tinuro sya ng babaeng tinawag nyang 'Mamma'. "Hindi ka maaaring lumabas ng palasyong 'to---"

"Ma, Mamma---"

[Translation: But, Mother.]

"Naiintindihan mo?!" Muli akong napapikit sa gulat nang sumigaw nanaman syang sumigaw. Napayuko na lamang ang kausap nyang babaena tinawag nyang Regina.

"C-capiscu.." Nakayukong saad niyang hindi ko nanaman naintindihan. Bahagya syang nakatalikod sa akin kaya hindi ko masyadong makita ang muka nito.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon