Chapter 61

184 18 13
                                    

"Ano? Ano nanaman?!" Inis na tanong ko sa isang kampon ng demonyong kumalabog sa sahig na syang naging dahilan ng paggising ko sa isang napakahimbing na pagkakatulog.

"S-sorry, sorry.. Nagising ba kita?"

Kumunot ang noo ko at agad na dumilat ng marinig ang boses na yon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinilip ang nasa ibaba ng kama.

Napangiwi ako ng makitang nakaupo si Jom sa  dulo ng kama ko at may hawak na planggana. Mukang tubig ang laman nito na tumapon lang sa katawan nya.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Nadulas ako eh.." Kumamot sya sa ulo at bahagyang ngumiti. "Basa."

"Hindi ko tinatanong kung anong nangyari. Ang gusto kong malaman ay kung anong ginagawa mo dyan?"

Tumayo ako at pumunta sa harap nya. Tutulungan ko sana syang tumayo kaso ay nagawa na nya yon mag isa.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"5:40."

"Oh. Ang aga aga bakit dito ka pa naligo?" Bakit kasi sya may dalang tubig? Ang lamig lamig eh..

Tinignan nya ang buong katawan ko, bahagya akong nailang dahil don. Kumunot ang noo ko ng makita ang suot ko. Sa pagkakatanda ko ay hindi ako nagbihis kagabi..

Ano nga palang nangyari?

"Okay ka na ba?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay sya pa ang nagtanong.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko maalala kung paano ko nakarating dito. "Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay kahapon. Bumaba ang temperature mo. Kaya dinala kita dito?"

Kung ganon... sinong nagpalit ng damit ko?!

"Tapos?"

"Si Jayne lang sana ang tatawagin ko para ayusin ka kaso ay kasama nya lahat ng kaibigan mo pati sina Kim kaya lahat sila ay alam ang nangyari sayo."

"Tapos?"

"Pumunta sila dito. Tapos tinawag nila si Nurse Aida para maasikaso ka nya... Uminom ka daw?" Nag aalangang tanong nya.

"Sinong may sabi?"

"Si Nurse Aida." Pati ba naman yon ay alam nya? "At kinumpirma din yon ni Zhack dahil kung ano anong tinatanong ni Gray."

Kumunot ang noo ko. "Like what?"

"K-kung..." Parang nagdadalawang isip pa syang sabihin. "Kung yun daw ba yung dahilan k-kaya may... may ano.."

"May ano?"

"K-kaya may nangyari sa inyo.." Pahina ng pahinang bulong nya. Pailalim na ang tingin sakin.

"H-ha?" Gulat na tanong ko.

"Yun kasi yung sinasabi ny---"

"Ha!" Hindi makapaniwalang singhal ko. Kunyaring natatawang tumingin ako sa kisame at nanlalaki ang mga matang ibinalik ang paningin sa kanya. "At naniniwala ka don?"

"B-bakit naman h-hindi?" Nakangusong bulong nya, hindi sya makatingin.

"Walang nangyari samin!"

Kung bakit ba naman kasi parang lahat na lang ay alam ng lalaking yon?! Ang mga bagay na hindi nya dapat malaman ay nalalaman nya samantalang yung mga dapat at wala syang alam!

"Itatanong nya ba yon kung wala syang ebidensya?" Kunot noong tanong nya sakin.

"At anong ebidensya? May naipakita ba sya?"

"Ako." Diretsong sagot nya, natigilan ako. "Ako mismo. Nakita mismo ng dalawang mata ko." Tinuro nya pa ang dalawang mata habang bahagyang nakayuko para pantayan ako.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon