Chapter 72

179 20 10
                                    

Jom's POV.

Kumunot ang noo ko sa kaluskos na naririnig sa loob ng kwarto. Ngunit hindi ko na iyon pinag aksayahan pa ng oras para imulat ang mga mata ko.

Madaling araw pa lang naman. Halos kakatulog ko lang din. Paniguradong wala namang ibang papasok dito sa kwarto ko.

Inis akong tumalikod sa nakabukas kong dim light lamp nang may narinig nanaman akong kumakaluskos mula doon.

Maya maya lamang ay tumahimik nang muli ang paligid.

Ngunit nang makakatulog na ulit sana ako ay may malamig na kamay ang humawak sa noo ko. Magaan ang mga kamay nitong humahaplos hanggang sa makarating sa buhok ko.

Sa gulat ay hindi agad ako nakakilos. Ni hindi ko rin magawang buksan ang mga mata ko para tignan kung sinong nandito. Sa halip ay pinili ko na lamang na magpanggap na natutulog.

Alam kong nasa likod ko lang sya. Magkahalong kaba at pag asa ang nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon ay si Kate pa rin ang nasa isip ko.

Palihim kong ipinagdarasal na sana ay sya ang kasama ko dito sa kwarto.

"I'm doing this for you.."

Pinigilan ko ang sarili kong ipikit ng madiin ang mata ko nang marinig ko ang bulong nya.

Tama ako.. Natupad agad ang hiling ko.

"I love you." Saad nya bago ko maramdaman ang mga labi nya sa gilid ng noo ko.

Mabilis kong iminulat ang mga mata ko nang maramdamang wala nang ibang tao dito sa loob maliban sa akin. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Ngunit ni isang nilalang ay wala akong nakita doon.

Tumakbo ako papunta sa ibaba para sana sundan sya kung saan man sya nagpunta. Ngunit hanggang sa makalabas ng building ay hindi ko nakita ang hinahanap ko.

Hinihingal akong yumuko at itinukod ang parehong kamay ko sa tuhod.

Nananaginip lang ba ako?

Bagsak ang mga balikat kong umakyat pabalik ng kwarto. Nawala ang kaninang antok na nararamdaman ko kahit na katutulog ko lang halos.

Pagbalik ka sa kwarto ay doon ko lamang napansin na naiwan ko itong nakabukas.

"Jom." Gulat akong lumingon sa likod nang may malamig na boses ang tunawag sa pangalan ko bago pa man ako yuluyang makapasok sa loob ng kwarto.

"Z-zhack.. Oh? B-bakit?"

Putsa. Bigla na lang susulpot. Ano naman ang ginagawa nya dito ng madaling araw? Hindi naman dito ang building nya.

"I want to talk to you."

Nakikipag usap ka na nga eh.

"Tungkol saan?" Pakiusap, patulugin nyo naman ako. Wag naman sanang problema ang sasabihin nito na dadagdag pa sa iisipin ko.

"I want you to stay away from me. Hanggat maaari, pwede bang wag kang lalapit o magpapakita sa akin?"

"H-ha?" Ilang beses akong kumurap.

Hindi ko maintindihan. Pagkatapos nyang umakyat dito sa building kung nasaan ako, pagkatapos nya 'kong kausapin ng hindi ko naman sya inaano ay sasabihin nyang layuan ko sya?

Nags-sleep walking ba 'to?

Lahat na lang sila, gustong lumayo ako.

"Just do what I said." Tatalikod na sana sya ng humabol pa ko.

"Teka.. Bakit nga?"

"Because I don't want to kill you." Awtomatikong kumunot ang noo ko.

"B-bakit naman ganon?" Bigla akong nakaramdam ng takot kahit na ganoon pa ang sinabi nya.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon