Chapter 67

188 22 9
                                    

"J-jom.."

"Rein." Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumingon sa likod ng marinig ko ang boses na iyon.

"Zhack.." Wala sa sariling bulong ko.

Nakatayo sya sa huling baitang ng hagdan katabi ni Gray.

Anong ginagawa nila dito?

Marahan kong inilayo si Jom sakin kasabay ng pagtalikod nya. "Zhack."

Natigilan ako sa tangkang pagsunod sa kanya nang hawakan ni Jom ang braso ko.

Kumurap ako ng ilang beses bago makapag isip ng sasabihin sa kanya.

"K-kailangan ko---"

"Bakit?"

Ayokong saktan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako..

"Jom, mamaya na tayo mag usap." Pilit kong tinatanggal ang kamay sa pagkakahawak nya ngunit gaya kanina ay lalong humihigpit din iyon.

"Sya na ba?"

Please, Jom.. Wag ngayon.

"Hindi na ako?"

"Jom." Lumapit na din samin si Gray. "Akong bahala. Sa inyo 'ko."

Hinawakan din nya ang kamay ni Jom at sya na mismo ang nag alis noon.

Ayoko pa sanang kumalas. Ayokong umalis sa tabi nya lalo na ngayong kasasabi nya lang ng ganong bagay. Gusto kong linawin. Gusto kong pag ulit ulitin nya ang sinabi nya kanina pero maging ako ay nahihirapan sa sitwasyon namin.

Sila pa rin ni Chloe at...

Kami pa rin ni Zhack.

Ayoko syang masaktan lalo na ngayon. Hindi pwede ngayon.

"Rein." Tawag sakin ni Gray dahilan para maalis ang paningin ko kay Jom. "Hindi ka na mahihirapan kay Kuya pagkatapos nito. Mamaya na kayo ni Jom." Seryosong bulong nya na syang ikinakunot ng noo ko.

"Ha?"

Pero imbes na sagutin ako ay sya mismo ang humila ng kamay ko para habulin si Zhack. Nakarating kami sa labas ng building. Sa dami ng tao sa labas dahil lunch break ay hindi ko makita kung nasaan sya.

Pareho kaming lumilinga ni Gray para hanapin ang kapatid nya.

Pero hindi ko sya makita sa paligid.

Imposibleng makalayo sya agad ng ganon kabilis sa ilang segundo lamang. Malamang ay may pinagtaguan lang syang hindi namin napansin.

"Bakit kasi kayo sumunod?" Inis na tanong ko kay Gray habang naglalakad kaming pareho pabalik ng building.

Diniretso namin ang kwarto nya. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto at pareho kaming punasok sa loob.

"Nakikita ko na kay Jom, Rein. Hindi lang ako ang nakakahalata---"

"Yun naman pala eh!" Hinarap ko sya nang hindi makita si Zhack sa buong kwarto. "Alam mo naman pala pero hinayaan mo pa rin syang marinig yon."

Napahilamos ako sa sariling muka bago lumabas ng kwarto.

"Hindi naman nagpapapigil yon eh!"

"Alam mo kung anong kalagayan ng kapatid mo, Gray."

Nagsimula na kong makaramdam ng kakaibang kaba ng sa sumunod na lugar na pinuntahan namin ay wala pa rin sya.

"Alam ko. Kaya ko nga sya hinayaan ay dahil alam ko."

Kunot noong hinarap ko sya. "Anong sabi mo?"

"Rein..." Nahihirapan syang sabihin ang gusto nya. "Ayoko na sa ganyang sitwasyon nyo ni Kuya. Sa tuwing tumatagal ang araw na kayo pa, lalo din syang umaasa."

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon