Chapter 45

227 17 6
                                    

"Rein!"

Napabalikwas ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon ang ilang mga estudyante, kasama sina Gray.

"Ano?" Inis na tanong ko.

Umagang umaga, wala namang pasok. Bakit nandito sila? Lintek, natutulog pa 'ko!

"N-nawawala.. Rein, may nawawala!" Nagpapanic na sigaw ni Greg at lumapit sakin. "May kidnapper sa loob ng campus, Rein! May kinidnap!"

Tinignan ko ang mga tao sa labas ng kwarto ko. May dalawang babaeng hindi ko kilala. Kasama nila sina Zhack, Jayne at Greg.

Tinignan ko naman ang cellphone na hawak ni Gray. Alam kong hindi sa kanya yon dahil unicorn na kulay pink ang case nito.

Pinanood ko ang video.

"H-huwag.. Wag." Tinig ng isang babae. Nakaupo sya sa harap ng camera habang nakatali ang mga kamay sa likod.

Tanging katawan lamang nya hanggang sa sapatos ang nakikita dahil doon lamang nakatutok ang camera, hindi kita ang ulo nya. Naka-uniform pa din sya kaya malamang ay kagabi pa sya nandoon.

"Wag mo silang idamay. Ako na lang.." Kalmado ang boses nya ngunit dinig pa rin ang panginginig.

Biglang may kamay na humarang sa camera at namatay na lang ang video.

"Ano yan?" Takang tanong ko kay Gray. Sya lang ang pumasok sa kwarto ko.

"May kinidnap nga! Ayon yung mga kaibigan nya." Turo nya don sa dalawang babaeng parang nagmamakaawa ang tingin sakin. "Ginising nila 'ko nang maaga. Tunog nang tunog yung phone ko dahil tinadtad nila ng post yung group. Kaya ginising ko din sila." Napakamot sya sa ulo.

"Kung bakit kasi hindi mo pinapatay ang wifi.."

"Eh pano kung may emergency? Kagaya nyan! Kung hindi ako nagising, malamang ay ikaw ang unang pupuntahan nila."

Tinatamad akong tumayo at nakapantulog pa nang humarap sa kanila.

"Anong nangyari?" Ulit ko sa dalawang babae. Sa tingin ko ay katorse anyos pa lang ang dalawang 'to.

"M-may kumuha po sa kasama namin.." Sagot nung isa. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa braso ng isa't isa.

"Anong pangalan nyo?"

"Sya daw si Hannah Cabrera." Turo nya doon sa babaeng mahaba ang buhok at may bangs, kulay orange. Si Jayne ang sumagot sakin. "Sya naman si Rhea Sebastian." Yung kasama nyang sobrang puti pero maitim ang labi.

"Tao ka?" Tanong ko kay Rhea.

Gulat pa syang tumingin sakin at tumango. "Opo.. L-lipstick lang po 'to.."

"Aicon Celestine yung pangalan ng isang kaibigan nilang nawawala." Pagpapatuloy ni Jayne.

Tumango na lamang ako. Nagpaalam ako kay Gray na maliligo at magpapalit muna bago humarap muli sa kanila.

Paglabas ko ay si Gray na lang ang naabutan ko sa loob ng kwarto. Wala na sila sa labas. Mabilis lang naman akong naligo..

"Nasan na sila?" Tanong ko kay Gray habang nagpupunas ng buhok. Tutok nanaman sya sa kanyang cellphone at nakakunot pa ang noo.

"Nandon sa kwarto ni Jayne. Ewan ko kung anong ginagawa."

"Eh ano pang ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka, malamang." Tumayo na sya nang makitang tapos na 'kong mag ayos. "Tara na."

Sabay kaming pumunta sa kwarto ni Jayne. Kumunot ang noo ko nang makitang may sari-sarili silang mundo.

Si Zhack ay nakaharap sa dalawang babaeng nag uusap, para syang nagbabantay. Yung dalawang babaeng binabantayan nya naman ay magkahawak ang mga kamay at parang tangang nagdarasal.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon