Chapter 73

175 18 19
                                    

"Jom.. Jom naman! Kailan ka ba kakain ng maayos?!" Bakas na ang irita sa muka ni Kim pero alam ko namang nag aalala lang sya para sa kaibigan.

Kahit nga ako ay hindi ko sya magawang pabayaan.

"Hinahanap ka na ng mga teachers, Jom. Hindi ka pa umaattend sa training. Baka sabihin ng ibang estudyante nyan ay may special treatment tayo dito dahil kaibigan ka namin.." Nag aalala na ding ani Alex.

Pangatlong araw na syang ganyan. Tatlong araw na syang hindi lumalabas ng kwarto at nakahiga lamang sa kama. Palagi ding nakabukas ang TV nya pero parang paulit ulit lang din naman ang pinapanood nya don.

Inis na tumayo si Kim na nakaupo kanina sa kama nya.

"Jom naman! Ano bang balak mong gawin sa buhay mo?! Ano pang ginagawa mo dito kung hindi ka rin naman papasok? Ha?!"

Pero sa tuwing pupunta kami dito ay hindi naman sya nagsasalita. Wala rin kaming napapala.

Lumapit din sa kanya si Sean at tinapik ang balikat nito. "Tumayo ka na dyan. Sumabay ka na saming kumain don sa baba."

"Ayoko."

Napailing na lamang ako sa naging sagot nya. Hindi na bago samin yon.

"Kailangan mong kumakain, Jom." Si Jayne.

Inis akong lumapit at kinuha mula sa kamay nya ang remote ng TV. "Ano bang nakakaadik sa palabas na yan at hindi maalis-alis yang mga mata mo dyan?! Eh halos wala nga akong mintindihan eh!"

"Hindi mo naman kasi binabasa yung subtitle." Matamlay na sagot nya.

"Bakit, ikaw? Nababasa mo ba? Naiintindihan mo ba? Ha?" Sunod sunod na tanong ko. "Nakatutok lang naman yung mga mata mo dyan eh! Wala kang naiintindihan dahil naglalakbay nanaman sa ibang planeta yang utak mo!"

At kahit naman kung saan saan pa makapunta ang utak nya, hindi non mahahanap si Rein. Kung sa akin nga ay hindi sinasabi ni Dean kung nasaan sya, sa iba pa kaya?

Kahit si Kuya ay wala na rin dito. Pinasunod sya kay Rein sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi namin matawagan ang number ni Rein at hindi rin sya nagseseen sa messenger. Sa tuwing tatawagan ko naman si Kuya, ang palagi nyang isinasagot sakin ay okay lang daw silang pareho. Putangina, anong sagot kaya yon?

"Ano bang kailangan naming gawin, Jom?" Nagmamakaawang tanong ni Kim. "Naiintindihan naman naming ganyan ka dahil wala dito si Rein. Pero hindi pa naman sya patay para magluksa ka ng ganyan. Pagkatapos ng gulo dito, pwede na rin naman natin syang puntahan kapag binuksan na ulit yung gate.."

"Hindi ako lalabas dito hanggat hindi sya ang nagpapalabas sakin."

"Okay, fine! Huwag kang lumabas. Pero kahit isang kutsarang kanin lang, Jom. Kumain ka naman."

Hindi sya sumagot at umiling pa rin. Ngayon ay nakikita ko na ang dating ugali ni Jom sa kanya. Para syang si Rein kapag galit o wala sa mood.

Hindi sya kumakain pero ang dalawang bangus nya sa aquarium ay buhay na buhay pa rin. Nung isang araw lang din kami nakapasok dito kaya naman doon lang din namin nalaman.

Pero hindi namin alam kung saan nanggaling ang dalawang yon at kung anong trip nya at bangus pa ang naisip na alagaan. Hindi namin sya matanong.

"Tangina naman, Jom! Hindi na babalik si Rein!" Gigil nang sigaw ni Kim.

"H-hindi.." Sunod sunod syang umiling. Naiinis na ko sa ginagawa nya pero nangingibabaw pa rin sa akin ang awa. "B-babalik sya. Babalikan nya ko. Sabi nya, m-mahal nya ko eh.."

"Levi.." Naalis lamang ang paningin nya sa tv nang banggitin yon ni Chloe. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non at kung bakit doon ay lumingon sya. "H-hindi na sya babalik sayo. Hindi na sya babalik sayo dahil alam na nya ang totoo. Hindi ikaw ang babalikan nya kundi si Jom."

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon