Chapter 50

200 13 5
                                    

"Op! Op!" Hinila ni Gray ang likod ng kwelyo ni Greg nang akmang iibi sya ng daan habang papunta kami sa cafeteria. "Saan ka nanaman pupunta?"

"D-dyan lang. Hindi naman ako lalayo.."

"Hindi. Hindi pwede! Sumama ka samin!"

Natahimik sya at wala nang nagawa. Alam kong ayaw nyang sumama samin dahil kasama din namin si Jayne.

Pero hindi naman pwedeng palagi na lang silang umiiwas sa isa't isa. Kasalanan nila yan, kaibigan nila kami, bahala sila. Basta dapat, kumpleto.

Kasama din namin sina Jin at Zhack. Kakatapos lang ng klase kaya kakain na kami ng lunch.

"Okay na kayo ni Jom, 'no?" Tanong sakin ni Gray. Tumango ako. "Doon kami kumakain sa table nila nung wala ka. At doon din kami kakain ngayon. Wala naman sigurong problema sa inyo yon, diba?" Tinignan nya kaming dalawa ni Zhack.

"Bahala ka." Tipid na sagot ko.

Hindi naman pwedeng hindi ako pumayag dahil magmumukang affected ako. Ayoko rin namang tumanggi dahil hindi pa rin naman naaalis sakin ang katotohanang gusto ko pa ring lagi syang makita.

"Hi!" Masiglang bati samin ni Alex nang maupo kami kasama sa table nila. Wala namang umangal. Sakto rin ang upuan.

Syempre, sa akin ang lahat ng 'to eh.. Mahiya naman sila kung paalisin nila 'ko.

Nawalan agad ako ng gana ng makita ang dalawang nilalang na naghaharutan sa harap ko. Kung bakit nga naman dito ko pa napiling pumwesto? Tsk.

"You look uncomfortable.." Bulong sakin ni Zhack na nasa tabi ko.

Iniwas ko ang paningin sa dalawang nasa harap ko at ibinaling na lamang iyon sa iba pang mga kasama namin sa table.

"Hindi. Okay lang ako.." Pilit ang ngiting sagot ko.

"Ako na oorder nung iyo?" Hinarap ako ni Gray.

"Ikaw bah---"

"Ako na." Nilabas ni Zhack ang phone nya at sya na nga ang um-order ng para sa akin.

"Ow.. Okay. Kayo? Naka order na kayo?" Tanong nya kina Kim.

"Yup! Tapos na." Sagot ni Sean.

Pagkatapos noon ay nagkaroon na ng napakatinding katahimikan. Oo, maingay ang paligid.. Pero sa table namin ay walang nagsasalita.

Ang mas nagpapa- awkward pa sa akin ang ang mga tingin o titig nilang hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Parang nakatingin sila saming apat..

Bakit? May alam ba sila? Alam ba nila?

Hindi naman ako nahihiya eh.. Ewan ko kung anong pakiramdam 'to. Pero bakit naman ako mahihiya, diba? Inaano ko ba sila?

Gusto ko sanang basagin ang katahimikan kaso nakakahiya nga. Gusto ko sanang tanungin kung anong lagay ni Katie pero ayokong ako ang maunang magsalita.

Bahala sila dyan. Basta ako, ayokong magfirst move.

Sanay naman akong hindi nagsalita ah. Ano namang bago don?

"So.. Kelan nga pala naging kayo?"

"How's Katie?"

Napapikit ako sa inis ng sabayan pa ako ng bruhang 'to! Minsan na nga lang maunang magsalita, kinontra pa.

"Ikaw na." Pilit ang ngiting sabi ko kay Chloe. Ayokong makipag talo pa. Bahala na sya.

"Hindi, ikaw na. Ikaw naman nauna eh.."

"Ikaw na nga."

"Pero.. by the way, What did you say? Who?" Takang tanong nya at tinignan din si Jom. Sa kanya kase ako nagtanong eh..

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon