Chapter 68

190 22 32
                                    

"Ano? San tayo bukas?"

"Section C pa din daw."

"Ay bakit? Aaraw arawin nyo ang pagpunta doon sa room namin? Kung sina Rein, Zhack, Jayne at Greg lang ay matatanggap ko pa. Pero kung kasama ka, sus! Wag na lang."

"Arte ha.. Kinaganda mo yan? Yabang neto porket may jowa."

"Kesa naman sayo. Single---"

"Study first ako!"

"Sooowsss! Study first! Pambansang linyahan eh! Ang sabihin mo pangit ka lang talaga kaya walang nagkakagusto sayo!"

"Hoy, Kim! Ang kapal ng m---"

"Tumigil nga kayo! Ang ingay ingay!"

"Luh.. Eeeyyyyy selos.. Hindi dapat ganyan, Greg. Ganito dapat oh.. 'Back off, she's mine---"

"Tarantado!"

"Hoy!" Walang ganang nilingon ko si Gray nang sikuhin nya ko. "Ano?"

"Ano?" Nananahimik ako't tatawagin para magtanong ng ano?

"Tulala ka."

"May iniisip lang." Kinuha ko ang mineral water sa harap ko at sumimsim doon.

"Sino? Yang nasa harap mo? O si Kuya?"

Kumunot ang noo ko at nagtatakang tinignan ang nasa harap ko. Hindi ko naman iyon napapansin kanina dahil naglalakbay ang utak ko.

Pero sana nga ay tuluyan ko na lang iyong hindi napansin. Lalong sumama ang mood ko nang makita kung gaano kalapit si Chloe kay Jom. Umirap ako at agad na iniwas ang paningin sa kanila. Wala akong balak panoorin pa ang ganong bagay.

"Si Zhack ba?" Maya maya'y tanong ni Alex. "Wala nang balak pumasok? Kahit training manlang?"

"Hindi na siguro." Matamlay na tugon ni Gray.

Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako. Pakiramdam ko ay kasalanan ko. Parang ako ang mali. Nagdadalawang isip ako kung babawiin ko ang sinabi ko o hindi. Kung kailangan ba talaga.

At hindi ko rin alam kung bakit ko nararamdaman ang pagsisisi.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Kim. "Nag away ba sila ni Rein? Nahuling nambababae? Ayan. Kanina pa wala sa sarili yan oh! Akala ko ba bawal hindi umattend sa training?"

Bakit ako?

"Baka may sakit---"

Natigilan sila sa pag uusap ng may bigla na lang umupo sa tabi ko.

"Speaking of.." Bulong ni Chloe.

Hindi man ako lumingon, kilala ko na kung sino ang lalaking kadarating lang na ito. Amoy pa lang nya ay alam ko na. Ganoon din ang paraan ng pananahimik nya.

Hindi ko inaasahang papasok pa sya ngayong araw..

Naramdaman ko ang katahimikan sa paligid. Itinuon ko sa plato ko ang paningin para maiwasan ang mga titig nila sa amin.

"Where have you been?" Si Chloe ang unang bumasag sa katahimikan. Nasundan iyon ng awkward na tawa ni Alex. "Hindi yata kayo magkasama?" Alam kong ako ang tinutukoy nya.

"We broke up."

Nagulat ako sa diretsang sagot nyang iyon, ganon pa man ay hindi ako naglabas ng ano mang emosyon.






























Jom's POV.

"We broke up."

Natigilan ako sa akmang pagsubo nang sabihin nya iyon.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon