Chapter 58

196 15 16
                                    

"Ha?"

"Diba kailangan nating bumili ng bangus? Baka naman pwedeng buksan muna saglit yung gate kahit mga isang minuto lang? Lalabas lang naman tayo sandali.."

"Aanhin mo ang bangus?" Naguguluhang tanong ko.

Bubulabugin nya ang napakatahimik kong pagtulog para lang pabilhin ako ng bangus?!

"Eh diba nga nag-promise ka kay Katie na bibilhan mo sya ng kasama?"

"Ako?" Turo ko sa sarili. Napakamot na lang ako sa ulo ng maalalang sinabi ko nga pala yon. "Pero hindi tayo pwedeng lumabas.."

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Kung hindi ngayon, e kelan?"

"Bukas." Tipid na sagot ko. Inaantok pa talaga ko..

"Hindi pwede bukas.. Feeling ko mamamatay na si Katie sa kalungkutan dahil palagi na lang syang mag isa. Tapos palagi pa kong wala don para samahan at laruin sya. Kailangan nya ng kaibigan, Kateeee.." Pangungulit nya pa. Naramdaman kong umupo sya sa kama ko.

"Mamaya." Nakapikit na sagot ko na lang.

"Magiging busy ka nanaman mamaya eh.. Hindi ka ba naaawa kay Katie? Wala syang kaibigan at lagi na lang mag isa. Wala syang kausap at walang mapagsasabihan ng problema---"

"Kailan pa nagkaroon ng problema ang isang isda, Jom?" Walang ganang tanong ko.

"Eh, kahit na. Wala pa rin syang kalaro. Alam mo ba kung gaano kahirap mag isa? Bata pa lang sya kaya karapatan nyang makapaglaro sa ibang isda!"

"At kailan ka pa nag aral ng karapatan ng mga isda?"

"Ayokong maramdaman nyang walang nagmamahal sa kanya, Kateeeee... Mahirap mabuhay mag isa." Inalog pa nya ng inalog ang katawan ko!

"Kailangan nyang mamuhay ng mag isa, Jom!" Inis akong bumangon sa pagkakahiga. "Mas mabuti nang maging mag isa kung iiwan ka rin naman ng mga kasama mo sa oras na mapamahal ka sa kanila."

"Eh? Pero hindi nya maiintindihan yon.. Kaila---"

"Oo na! Eto na, eto na, tatayo na!" Inis akong bumangon ulit at hinarap sya. "Pwede naman kasing mamaya na lang."

"Eh---"

"Eto na nga. Tumatayo na, diba? Eto na."

Pumasok ako sa banyo upang makapag ayos manlang ng bahagya. Matapos kong maghilamos at magsipilyo ay lumabas naman ako para kunin ang damit kong isusuot tsaka pumasok ulit. Hinayaan ko na lang sya sa kama.

"Magpapaalam pa tayo kay Mommy." Sambit ko nang makalabas ng banyo. Ngunit agad din naman akong natigilan sa paglapit ng makitang nakahiga sya sa kama ko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap nya. Iniwasan kong lumikha ng ano mang tunog na magiging dahilan para magising sya.

"Pagkatapos akong gisingin ay sya naman ang natulog.. Ayos." Bulong ko sa sarili.

Pinagmasdan ko ang kanyang pigura habang sya'y natutulog. Napangiti ako ng magtagal ang paningin ko sa muka nya.

Ito ang itsura ng taong mahal ko at hanggang ngayon ay minamahal ko pa. At hindi ko inaasahang ang mukang 'to ang mamahalin ko ng sobra, higit pa sa buhay ko.

"Unti unti ko nang nakakalimutan ang dating ikaw.. Unti unti na 'kong nasasanay sa ganyang ugali mo. Hindi ko inakalang hanggang sa ganitong ikaw ay ikaw pa rin ang mamahalin ko.."

Matapos ang ilang minutong pananatili sa loob ng kwarto ay iniwan ko na muna sya doon.

Ako na lang muna ang pupunta sa office ni Mommy para magpaalam.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon