Chapter 75

155 18 5
                                    

Gray's POV.

"Ulit, Justine! Umayos ka naman!" Inis na sigaw sa kanya ni Jin pagkatapos nitong matamaan nanaman ng patpat na hawak nya sa ika-dalawampung beses.

Wala akong magawa kundi kumamot sa noo ko. Masyado nang nagiging mainitin ang ulo ni Jin sa tuwing sya ang kakalabanin nito.

Hindi rin naman namin sya mapigilan dahil alam naman naming normal lamang yon dito at hindi magiging patas kung bibigyan namin sya ng special treatment. Kailangan nyang matuto gaya ng iba.

Kaya lamang ay isang linggo pa lamang mula noong mabugbog sya nina Lowell. Isang linggo mula noong valentines day kung saan sinabi nyang nakita nya si Rein.

Hindi ko alam kung paano nangyari yon samantalang nung tawagan nya ko ay dinig na dinig ko namang nasa labas sya. Ilang beses na naming sinabi na baka panaginip lang yon o namalik-mata pero pilit nya pa ring pinaniniwalaan ang sarili nya.

At nang subukan ko ulit tawagan ang numerong ginamit ni Rein ay hindi nanaman yon ma-contact.

"M-masyado naman yatang mainit ang ulo ni Jin ngayon.. Parang magkakasakit yata ako."

Ramdam ko ang kaba sa tono ng boses ni Greg at muntik na 'kong matawa ng dahil doon. Sya na kasi ang susunod kay Justine at pagkatapos nya ay si Jayne naman. Kailangan din nilang matuto.

"Kung sumabay ka lang kasi samin noon, edi sana matagal ka nang marunong."

Ang daya kasi. Ang daya daya ni Rein. Pinapahirapan nya kaming dalawa ni Kuya samantalang sina Greg at Jayne ay hinahayaan lang nyang maglaro.

"Mas malala pa dyan yung makukuha mo kapag tumakas ka, gago." Sagot naman sa kanya ni Kim.

"Ikaw na lang kaya magturo sakin?"

"Ay, nako, wag na! Baka mapatay lang kita."

Napangiwi ako nang pagbalik ko nang tingin kay Jom ay natamaan nanaman sya sa binti dahilan para mapaluhod ang isang tuhod nya.

Pasalamat na lang talaga kami at hindi totoong espada ang gamit nila. Kundi ay hiwa-hiwalay na ang katawan ni Jom sa dami ng tinatamaan sa kanya.

"Tangina, Justine!" Halatang galit nang sigaw ni Jin. Natahimik tuloy kaming lahat dito sa gilid. "Kanina pa tayo dito! Ilang oras na tayo dito, hanggang ngayon ay hindi ka pa rin marunong ng simpleng pag iwas lang? Paano kung wala kang ibang kasama? Edi bangkay mo na lang ang aabutan namin kapag napagtulungan ka?!"

Mabilis na tumayo si Justine at humarap sa kanya. "S-sorry.. Sorry."

"Maililigtas ka ba ng sorry mo, Levi? Alam mo bang kahit saming dalawa ni Rein ay wala kaming laban kay Jom? Alam mo ba yon, Justine?" Pabagsak nyang binitawan ang hawak nyang stick. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami dami ng ipapalit sa kapatid ko, hindi ko alam kung bakit ikaw pa!"

"Jin." Nananaway na tawag sa kanya ni Kim. "Stop.."

Matalim lang syang tumingin sa gawi namin bago muling harapin kay Jom at bumulong.

"Hindi ikaw si Jom, Justine.. Kaya kung hindi mo kayang lagpasan o pantayan manlang ang mga nagagawa nya noon, wag ka nang umasa na makukuha mo din si Rein."

Pagkatapos ay bigla na lang syang tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Sinundan pa namin sya ng tingin mula sa nakabukas na bintana at nang mawala na sa paningin namin ay tsaka naman nila agad na nilapitan si Jom.

"Sabi sayo, mainit ulo non eh.." Bulong sakin ni Greg.

"Wag mong initindihin yon, Justine. Wala lang sya sa mood. Nakita ko sila ni Hannah kanina eh, mukang magkaaway.." Si Jayne.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon