Chapter 44

230 18 6
                                    

Jom's POV.

"Ayos ka lang?" Hinarap ko si Chloe at tinignan ang buong katawan nya. "Nasaktan ka ba?"

Huminto kami pagkalabas ng building at nagtago sa gilid ng pader.

Nang tignan ko sya ay hindi pa rin naaalis ang paningin nya sa building na pinanggalingan namin kanina. Namumula ang mga ilong at mata nya na kahit anong oras ay maiiyak na.

Hindi ko sya kayang makita na ganito kaya niyakap ko na lang sya. Sumubsob sya sa dibdib ko. Hinimas ko ang buhok nya nang marinig ko syang umiiyak.

Ang lakas ng sapak sa utak ng babaeng yon. Kanina lang ayos pa kami, matino pa syang kausap. Hindi ko malman kung talagang gnon lang talaga sya o sadyang baliw na.

"Don't mind her. Baliw yon." Masama kong tinignan ang batong nananahimik sa lupa.

Kung hindi lang ako pinigilan ni Chloe kanina, kung wala lang talaga sya sa tabi ko, malamang ay basag na ang muka sakin nung babaeng yon.

"W-wala syang karapatang idamay ang p-pamilya ko.." Humihikbing bulong nya. Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa likod ng uniform ko. "W-wala syang a-alam."

Pagkatapos ng ilang minuto nyang pag iyak ay tsaka lang sya umalis sa pagkakayakap ko. Binigay ko ang dala kong panyo na agad din naman nyang tinanggap para pamunas ng luha nya.

"Matagal na kitang kilala. Halos kilala mo na din ang pamilya naming lahat.. Pero bakit ikaw?" Nag aalangang tanong ko. "Bakit parang mas kilala pa nya ang pamilya mo kesa samin?"

Natigilan syang tumingin sakin. Hindi agad nakasagot.

"Totoo ang sinabi nya.." Iniwas nya ang paningin. "Baliw ang buong pamilya ko. Nabaliw ang mga magulang ko nang dahil sa pera, ang kakambal ko ay nasiraan na din nang dahil sa kagagawan ng sarili kong ama.."

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagkukwento sya. "S-sorry---" Gusto ko na syang patigilin nang pangiliran sya ng luha. Pero nagpatuloy pa rin sya.

"Natuto akong mamuhay mag isa when I was 10 years old. Lumayas ako nang hindi ko na makayanan yung ginagawa nya samin. Kumikita sila nang dahil samin. Pinagkakakitaan nila kaming magkapatid.."

"Chloe.." Hinawakan ko ang kamay nya.

Sana pala ay hindi na lang ako nagtanong. Hindi ko naman alam na ganito ang nangyari sa kanya.

"I killed my own sister."

Bigla ay napaatras ako. Nanlaki ang mga mata ko at nabigla. Seryosong seryoso sya.

"Hirap na hirap na sya. She wants to die. Ilang beses nyang sinubukang magpakamatay. Kaya kinulong sya ng mga magulang ko sa kwarto kung saan wala syang magagawang paraan. Kaya noong nakawala sya, ako na mismo ang tumupad ng wish nya.. Hindi ko naman inakalang may dahilan na pala sya para mabuhay. Hindi ko naman alam na nag iba na ang gusto nya sa buhay. "

Gusto ko syang hawakan nang magsimula nanaman syang umiyak. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nyang pinatay nya ang sarili nyang kapatid.

Nakapatay na sya?!

"At mas lalong hindi ko inasahang may mga makikialam."

Bigla ay huminto sya sa pag iyak at sumeryoso.

"Sinira nila ang lahat. Sa kagustuhan nilang tulungan ang kapatid kong namatay na, pinatay din nila ang mga magulang ko."

Nagulat ako. Patay na rin ang mga magulang nya? Kaya ba palagi namin syang nakakasama ay dahil wala namang maghahanap sa kanya sa bahay nila?

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon