Chapter 62

202 24 50
                                    

"Good morning.." Nakangiting bati ko pagmulat na pagmulat ng mga mata ko. Sya ang bumungad sakin.

Ngunit sa kabila ng magandang pakikitungo ko ay inirapan nya lamang ako at tinalikuran.

"Luh.. Sungit." Tumihaya na lang ako at hinarap ang kisame.

"Tsk. Anong maganda sa umaga?"

Ikaw.

"Bawal bang bumati? Anong gusto mong sabihin ko? Goodnight?"

"Yes. Ibalik mo ang gabi at ako naman ang matutulog."

Tumaas ang kilay ko at itinukod ang siko sa kama para silipin ang muka nya sa kabila.

"Hindi ka pa natutulog?"

"Paano ko matutulog? Kaya nga ko nandito para bantayan ka, diba?"

"Eh hindi naman sinabing---"

"Oh, edi ibalik mo ang oras at matutulog ako." Tinakpan nya ang buong katawan gamit ang kumot.

Pero hinila ko pa rin ito ng bagya dahil gusto kong makita ang inis na reaksyon nya.

"Hindi ka papasok?"

"Papasok?"

"Sabi mo matutulog ka?"

"Yun ay kung maibabalik mo ang oras." Tumihaya sya at humarap sakin. "Kaya mo ba?"

"Hindi." Umiling ako.

Agad kong nailayo ang ulo ko ng bigla na lang syang tumayo. "Hindi naman pala eh.."

"Papasok ka?"

"Oo nga." Inis nang sagot nya.

"Wag na lang kaya tayong pumasok?"

Tinigilan nya ang paghahalungkat sa drawer ko at humarap sakin. "At bakit?"

"Nakakatakot yung Natalia na sinasabi ni Mj." Baka mamaya, totoo nga na ako na ang next target at ako naman ang mawala. Hindi ako pwedeng mawala sa lugar na 'to, 'no.

Sya din yung babaeng kumausap sakin nung nakaraan. Sya yung nagtanong kung ako daw ba si Jom.

Sinundan ko ng tingin si Kate nang buksan nya ang pinto. Lumabas sya sandali at maya maya lang din ay bumalik na dito.

"Kulay pula pa rin ang langit, nandito pa rin tayo. Kailangan nating pumasok para makita ang mga lalaking nawawala dito sa campus."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Nakausap ko si Mj kagabi. Kada linggo daw ay iba iba ang mga target ni Natalia. Kadalasan ay yung mga lalaking natitipuhan nya, may mga itsura."

At pati doon ay may pakealam sya?

"Eh, ano naman?" Problema pa ba nya yon?

"Ikaw ang target ngayong linggo."

"Alam ko. Sinabi nyo na yan kagabiat sinabi ko na rin kanina. Kaya nga hindi na lang ako papasok."

"Kailangan din nating malaman kung saan nya dinadala yung mga kinukuha nya."

"Yung mga lalaking kinukuha nya?" Nakangiwing ulit ko.

"Yes."

Aba't talaga namang---

"Akala ko ba'y wala kang pake alam sa ibang tao?"

"Akala ko rin ba ay kailangang tulungan ang mga nangangailangan? Ano? Ang isda lang ang tutulungan mo?"

At bakit naman nadamay si Katie sa usapan?

"Hindi sayo ang mundong 'to, Kate. Hindi na natin kailangang problemahin pa ang mga ganong bagay."

"Natin? Eh ikaw nga ang may ari ng campus dito. Baka nakakalimutan mong sayo sila humihingi ng tulong?" Nakapamewang syang humarap sakin.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon