Chapter 51

187 15 5
                                    

Gray's POV.

Kalalabas ko lang ng room ng matanaw ko mula sa malayo ang tumatakbong si Jom. Buhat buhat nya si Chloe na mukang walang malay! Papunta sila sa labas.

Kumunot ang noo ko at tinitigan silang mabuti. Sigurado akong silang dalawa yon. Nanlaki ang mga mata ko ng may makitang mga dugo!

Namalayan ko na lamang ang sarili kong bumababa para sundan sila. Patakbo akong sumunod habang nagdi-dial na ng number sa phone ko.

Si Rein ang tinawagan ko.

"H-hello?! Rein! Sina---"

["Buksan mo yung gate. Palabasin mo sila."] Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Hindi pa nga ako tapos. Wala pa kong sinasabi. Alam nya agad?

Lumingon ako sa paligid at hinanap sya. Paniguradong kung alam nya, malamang ay nandito lang din sya.

Natanaw ko syang nakatayo sa unang hagdan ng building namin. Nakatingin lamang sya samin habang nakatapat sa tenga ang cellphone nya.

"Anong nangyari?"

["Nahulog si Chelsea sa hagdan. Mula fourth floor hanggang dito sa ibaba---"]

"Ha?!" Ang taas non! "B-bakit?!"

Anong ginawa mo?

["Sasabihin ko sayo mamaya---"]

"Anong ginawa mo, Rein?!"

["I-off mo na yung switch. Pagbuksan mo sila ng gate at kailangan na nyang madala sa ospital. Hindi yan kakayanin ng clinic. Samahan mo sila, pasunudin mo na lang sa inyo si Greg."]

"Re---" Hindi ko na naiutuloy ang sasabihin ko ng babaan nya ko. Nanatili syang nakatingin lamang sa amin.

Napapikit na lang ako sa inis at tumakbo na papunta doon sa basement kung saan nakalagay yung switch. Agad ko itong in-off at bumalik sa gate.

Naabutan ko si Jom doon, ganoon pa rin ang lagay nila ni Chloe. Mabilis kong binuksan ang gate. Ako na ang naunang lumabas para malaman nyang wala nang kuryente dito.

Sinara ko muna yung gate bago dumiretso sa tago naming parking lot para kunin ang kotse ko.

"Dito. Sumunod ka sakin.."

Huminto ako ng makitang hindi sya sumunod sakin.

"Bakit ako susunod?! Yung kaibigan mo---"

"Alam ko! Pero sa tingin mo ba makakalabas kayo dyan ng walang pahintulot nya? Nandon yung kotse ko! Susunod ka sakin o hihintayin mo pang maubusan ng dugo yang kasama mo?"

Wala na din syang nagawa kundi sumunod. Mukang labag pa sa loob. Ang kapal ng muka.

Sya na nga 'tong tinutulungan. Lumabas lang naman ako para hanapin sana si Rein eh..

︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎

︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎


Rein's POV.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung may dapat nga ba kong gawin..

Alam kong hindi ako pwedeng sumama sa kanila dahil siguradong hindi papayag si Jom. At ayoko rin namang tumunganga na lamang dito habang my nangyayaring ganyan.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon